Default Thumbnail

Crashed aircraft sakay ang Iran president, natagpuan na

May 20, 2024 People's Tonight 113 views

Iniulat ng East Azerbaijan Revolutionary Guards Command ng Iran na natukoy na ang lokasyon ng helicopter na bumagsak habang lulan si Pangulong Ebrahim Raisi at ang kanyang delegasyon noong Linggo.

Ayon sa Iranian state news agency na IRNA, may natanggap na signal mula sa isang mobile phone na pagmamay-ari ng isa sa mga tripulante ng helicopter sa lugar ng pag-crash, at naka-deploy na ang mga tropa doon.

Ang helicopter na sinasakyan ni Raisi ay gumawa ng hard landing dahil sa masamang kondisyon ng panahon habang pabalik mula sa seremonya ng inagurasyon ng isang dam sa hangganan ng Azerbaijan.

Nauna nang inihayag ng Iranian Red Crescent na ang pagbagsak ay naganap sa pagitan ng Kaleybar at Varzaqan. Sinabi ni Iranian Interior Minister Ahmad Vahidi na hindi pa nakakarating ang mga rescue team sa lugar.

Ayon kay East Azerbaijan Deputy Governor Jabbarali Zakiri, dalawa sa tatlong helicopter sa convoy ni Raisi ang lumapag nang maayos, habang ang isa ay bumagsak.

AUTHOR PROFILE