PAGASA

Bagyo posibleng pumasok sa PH bago mag Hunyo

May 20, 2024 Melnie Ragasa-limena 95 views

ISANG bagyo ang posibleng pumasok sa bansa bago matapos ang buwan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, sa ngayon wala pang namomonitor na sama na panahon sa loob o labas ng Philippine area of responsibility.

Patuloy ding mararanasan ang mainit na panahon tuwing umaga.

Asahan ang pag ulan pagdating ng hapon at gabi dulot ng Easterlies, sabi ng opisyal.

Sa Metro Manila, mataas ang tyansa ng mga pag ulan at pagkidlat.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na nalalapit na ang panahon ng tag ulan.

Karaniwan itong nagsisimula tuwing unang linggo ng Hunyo.