Posas

2 drug suspek huli sa shabu, boga

May 20, 2024 Gil Aman 69 views

CAMP BGen Paciano Rizal–Laglag ang dalawang suspek sa pangangalakal ng droga sa buy-bust at nakumpiska pa ang baril at droga ng Cavinti police noong Linggo.

Kinilala ni PCol. Gauvin Mel Unos, acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na si alyas Randy at alyas Christian.

Ayon sa ulat ni PCpt. Sergio Amaba Jr., hepe ng Cavinti police Station, naaresto ang dalawa alas-11:20 ng gabi sa Brgy. Duhat, Cavinti, Laguna.

Nakumpsika sa mga suspek ang 1 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P6,900, isang kalibre 38, mga bala, isang coin purse at marked money.

AUTHOR PROFILE