Xian

KAPUSO WRITER KAY XIAN: HE’S SO DIFFICULT TO WORK WITH

May 9, 2024 Vinia Vivar 197 views

Pinagpipiyestahan ngayon sa online world ang hindi magandang komento ng isang GMA-7 writer kay Xian Lim.

Nag-react si Brylle Tabora sa post ng isang magazine kung saan nga ay nagkaroon ng exclusive interview si Xian at inamin ang relasyon with Iris Lee.

Makikita sa post ng mag ang quotation ni Xian na “when I love, I go all out.”

Sa comment section ay nagbigay ng matinding reaksyon si Brylle at sinabing napakahirap daw katrabaho ni Xian at ginawa umanong miserable ang buhay niya.

“What a friggin’ joke, and he’s also super difficult to work with. Made our lives as TV writers miserable,” ang matapang na pahayag ni Brylle.

Si Brylle ang writer ng Hearts on Ice drama series na pinagbidahan ng ex ni Kim Chiu at umere last year sa GMA-7.

Anyway, bukas ang pahina ng People’ Tonight para sa reaksyon ni Xian sa sinabing ito ng Kapuso writer.

AUTHOR PROFILE