David

David sasailalim sa panibagong medical procedure

May 9, 2024 Vinia Vivar 171 views

Matapos sumailalim sa sleep apnea procedure last Monday, nagbigay ng update si David Licauco sa naging epekto nito sa kanya.

Ayon sa Pambansang Ginoo, maginhawa na ang pagtulog niya ngayon.

“Usually, sa umaga, talagang wala ako sa mood and then, hirap ako huminga pagkagising ko. So, it takes a while talaga for me to warm up.

“But today, parang ‘oh wow, ito pala ‘yung feeling ng maayos ‘yung tulog,” pahayag ni David.

Ang sleep apnea ay isang sleeping disorder kung saan habang natutulog ang isang tao ay paulit-ulit siyang tumitigil sa paghinga.

Matagal ding prinoblema ni David ang kundisyon niyang ito at sey niya in a past interview, hindi siya nakakatulog nang maayos dahil dito kaya naman lagi siyang stressed paggising niya.

After the procedure, na tumagal lang ng 30 minutes, naging maayos na agad ang tulog niya at nakapagtrabaho na siya agad kinabukasan.

“Based on last night, it was really helpful,” aniya.

Pero may kailangan pa rin daw isagawang procedure para naman sa kanyang lalamunan nang sa gayun ay talagang maging smooth na talaga ang kanyang pagtulog.

Ayon pa kay David, hindi lang trabaho ang naaapektuhan dahil sa kanyang sleep apnea kundi pati ang pakikitungo niya sa mga tao dahil lagi siyang wala sa mood.

“Bad mood nga ako sa umaga, even sa afternoon, so pasensya na kung medyo minsan, eh, mukhang wala ako sa mood, but I’m getting there, I’m getting better, I’m improving,” saad ni David.

AUTHOR PROFILE