Senate Source: Senate of the Philippines

Ex-ES Ochoa di kilala si Morales

May 20, 2024 PS Jun M. Sarmiento 166 views

ITINANGGI ni dating Executive Secretary Paquito Ochoa ang mga paratang na siya ang nasa likod ng pagpapahinto sa umano’y operasyon na dapat ginawa ng dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales sa panahon ng Noynoy Aquino presidency na target sana ang mga malalaking personalidad tulad ni Maricel Soriano at dating senador at ngayon ay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinasinungalingan ito ni Ochoa ang paratang at niliwanag na hindi niya kilala itong si Morales maging ang sinasabing nitong direct superior niya na si dating PDEA Deputy Director General Carlos Gadapan na pumanaw na kamakailan.

Sinabi ni Ochoa sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Sen. Ronald Bato dela Rosa na walang katotohanan ang mga isiniwalat ni Morales sa nasabing pagdinig at wala aniyang isa man sa mga inilahad nito ang kanyang naaalala man lamang.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig, itinanong ni Sen. Bato kay Ochoa kung may naaalala siyang mga operasyon na ikinasa laban sa mga tinatawag na high-profile personalities kaugnay sa paggamit ng mga ito sa ilegal na droga na ayon kay Morales inutos ni Ochoa na ipahinto sa pamamagitan ni Director Gadapan.

“Not at all. I did not even know him. I did not make such instruction and I cannot even recall if that such meeting really took place,” paglilinaw ni Ochoa kung saan ay nanindigan din ito na walang ganuon uri ng dokumento na sinasabi ni Morales.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig, si Morales gayundin ang isa pang resource person na si Eric Picoy Santiago parehong nabigyan ng contempt bunga ng diumanoy hindi maayos na pagtugon sa magkahiwalay na pagtatanong sa mga ito.

Nagalit kay Morales si Sen. Jose Jinggoy Estrada matapos nitong paikut ikutin ang sagot sa senador sa umano’y buhol buhol na mga Personal Data Sheet (PDS) nito na pinirmahan sa PDEA.

Nakasaad sa nasabing PDS ang tanong kung siya ay na dismiss sa PNP na mariin niyang tinanggi sa pagsagot ng “no.”

Dito ay sinabi ni Estrada na maliwanag na hindi aniya naglalahad ng katotohanan si Morales at hindi mapagkakatiwalaan ang mga salita nito lalot maliwanag na pirmado niya ang nasabing dokumento

Ayaw naman ni Morales kumpirmahin ang nasabing dokumento kahit pa certified document ito ng PDEA bagkus ay nais niyang orihinal na kopya ang ipakita sa kanya na ikinairita ni Estrada at ni Sen. Francis Chiz Escudero.

“You complied to PDEA by submitting a falsified PDS? You mean to say you did not know your own handwriting and your own signature?

Lahat ng sinasabi ni Morales dito puro kasinungalingan. He is a polluted source,” sabi ni Estrada.

Para naman kay Sen. Escudero, kahit ang korte mismo tinatanggap ang certified true copy ng isang sangay ng gobyerno at hindi aniya makatuwiran ang mga kahilingan na ito ni Morales.

” A certified true copy is the same as the original. It is unreasonable to ask for the original. Parang original na rin po yan at hindi na dapat pagdebatehan,” giit ni Escudero.

Si Eric Picoy Santiago na isa sa mga ipinatawag ng komite nauna ng nasabing sinadya niyang paikutin sina Morales upang papaniwalain dahil nais niyang makita kung siya rin iimbitahin ni Sen. Bato upang tumestigo sa nasabing pagdinig.

Sa puntong ito, nairita si Sen. Bato kung kaya’t nag motion itong i contempt si Santiago dahil hindi kapani-paniwala ang alibi nito.

Nag bigay ng order ni Sen. Bato sa Senate Sergeant-at-arms na ikulong ang dalawa sa magkahiwalay ng kwarto.

Samantala, ang isa pang resource person na si James Kumar na dapat din sanang humarap sa pagdinig ay kasalukuyan naka confine sa Makati Medical Center matapos ma stroke ito bunga ng pagdawit sa kanyang pangalan sa nasabing isyu na lubha niya rin aniyang ikinagulat.

Bagamat nais magsalita kahit sa video call man lamang upang umano matapos na ang lahat ng ito ay tumanggi naman si Sen. Bato na imbestigahan si Kumar lalot hindi nagbigay ng pahintulot ang doktor nito dahil sa kasalukuyan sitwasyon ni Kumar.

“Nag suffer na po ako at ang buong pamilya ko. Dahil dito na stroke na ako dahil sa isyung ito,” ani Kumar, na kilala ring negosyante sa kanyang maikling pahayag sa video call.