Sofia

Sofia hindi makalimutan ang debut celebration

May 10, 2024 Aster Amoyo 59 views

KAHIT almost three weeks na ang nakalipas, madalas pa ring binabalikan ng Kapuso aktres na si Sofia Pablo ang memorable moments ng kanyang tropical Hawaiian 18th birthday celebration.

Isang dream come true ito para kay Sofia lalo na at hands-on siya sa preparasyon ng kanyang debut, mula sa photoshoot hanggang sa mismong party.

“Sobrang hindi pa rin ako maka-move on na ganun siya ka-successful. Natupad ‘yung pangarap ko na debut with all the people na mahalaga sa buhay ko, mga naka-work ko, the bosses, so hanggang ngayon parang it still feels surreal,” sabi niya.

Hindi pa nga natatapos ang kanyang birthday celebration, dahil muling nagdiwang si Sofia kasama naman ang kanyang fans.

“So I really treat them as parang family ko kasi like parang karamihan po sa kanila mula bata ako like nine years old po ako kasama ko na sila,” pahayag niya.

Present ang mga Team Jolly at Sofianatics sa second tropical themed party ng Sparkle star. Pero mas naging special ang selebrasyon nang dumalo rin ang ka-love team ni Sofia, na si Allen Ansay.

Kuwento ng Kapuso actress, number one supporter niya talaga si Allen dahil super genuine ang aktor sa kanya.

“Talagang very vocal siya na ‘I’m proud of you. Deserve mo lahat.’ Sobrang very genuine rin niya,” sabi ni Sofia.

Ngayon at young adult na siya, goal ni Sofia ipamalas naman ang kanyang mas matured side on and off camera.

Naging mas mindful na raw ang aktres sa kanyang mga kinikilos at nais din niyang ipakita ang bagong matured Sofia sa kanyang upcoming GMA show na Prinsesa ng City Jail.

“May pressure kasi kailangan makita nila talaga ‘yung transition, ‘Ay 18 na siya, ay nag-mature na siya, dalaga na siya,’ ganoon po.”

Kamakailan lang, dumalo si Sofia sa story conference ng naturang programa kasama ang iba pang cast na sina Beauty Gonzales, Dominic Ochoa, Keempee de Leon, at ang iba pa.

Gaganap si Sofia bilang si Princess, isang dalaga na pinalaki ng isang guwardiya sa city jail.

Lexi inaming nagkakapikunan sila ni Angel

INAMIN ni Lexi Gonzales na minsan ay nagkakapikunan silang mga runner sa Running Man Philippines.

Very competitive daw kasi ang mga misyon nila.

“Totoo naman po na hindi maiiwasan ‘yung pikunan. Ang madalas po talaga nagkakapikunan kami ni Angel Guardian, may mga moments.

“Pero dahil po dun sa mga natutunan namin last season, this time mas nama-manage na po namin nang maayos and that hindi na po lumalalim kung ano pa ‘yung mga naging samaan ng loob pa po namin,” sey ni Lexi.

Dagdag ni Lexi, mas mahirap daw this season dahil unpredictable ang mga nangyayari sa isang mission.

“Kasi po, hindi po talaga namin alam ‘yung challenges na gagawin namin. Kumbaga ‘yung preparations lang po na magagawa ko makapagdala po ako ng mga thermals, mga panlamig.”

AUTHOR PROFILE