VMX

Vivamax mabilis lumobo ang subscribers

May 20, 2024 Jun Nardo 128 views

MABILIS ang pagdami ng subscribers ng Vivamax. Last June 2023, umabot ito sa seven million mula nang magsimula ang streaming app last January 2021.

Ngayon, umakyat sa 11 million ang subscribers nito kaya naman ang Vivamax, nagkaroon ng malaking selebrasyon sa bagong milestone kung saan ipinakilala nila ang 11 Vivamax stars na magpapainit sa mga tumatangkilik nito.

Ang 11 artists na lalong magpapainit sa manonood ng Vivamax ay sina Dyessa Garcia, Rica Gozales, Christy Imperial, Arah Alonzo, Vern Kaye, Athena Red, Alessandra Cruz, Jenn Rosa, Candy Veloso, Mariane Saint at Skye Gonzaga.

Of course, mapapanood pa rin sa titles ng Vivamax ang mga gaya nina Angeli Khang, Azi Acosta, Yen Durano, Angela Morena at iba pa.

Congratulations, Vivamax!

PRECONDITIONING

WALA pang 6 p.m. kahapon, kalat na sa social media ang balik-tambalan sa pelikulang Hello, Love, Again na co-production ng GMA Pictures at Star Cinema at sequel sa Hello, Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ang project reveal ay sa social media platform ng dalawang movie outfits naganap. Pero lumabas na ang project reveal bago mag-6 p.m. kaya formality na lang ang naganap sa streaming kung saan present ang two leads, director ng movie at mga kinatawan ng Star Cinema at GMA Pictures.

Tama naman ang hula ng netizens na ang sightings sa KathDen, eh, pre-conditioning ng pagsasama nila sa isang project.

Ayon sa reports, from Hong Kong at mapupunta sa Canada sina Joy at Ethan, ang characters nina Alden at Kathryn.

Hindi ito pang-2024 Metro Manila Film Festival dahil sa November 13 ito ipapalabas.

AUTHOR PROFILE