Lani

LANI KABOG NG MANAGER SA PAG-IIMBESTIGA KAY BONG

May 20, 2024 Vinia Vivar 89 views

Very apologetic si Sen. Bong Revilla na hindi siya nakadalo sa 77th birthday celebration ng manager niyang si ‘Nay Lolit Solis last Sunday.

Sa ipinadala niyang video greeting for ‘Nay Lolit ay ipinaliwanag niya na bumuka ang kanyang surgery sa Achilles tendon.

“Ako’y humihingi ng paumanhin, ‘Nay, at hindi ako makapunta diyan lalo na ngayon, ako’y nagpapagaling pa ng aking Achilles tendon, medyo bumuka ang aking operasyon kaya sabi ng doktor, ako’y magpagaling na muna,” sabi ni Sen. Bong.

Kasunod nito ay nagpasalamat siya sa kanyang manager dahil hindi niya mararating ang narating niya kundi dahil kay ‘Nay Lolit.

Nangako rin siya sa manager na lagi siyang nariyan at hindi niya ito pababayaan kahit kailan.

“’Nay, basta laban lang, maraming nagmamahal sa ‘yo, ‘Nay, at ako ‘yung no. 1 na nagmamahal sa ‘yo,” mensahe pa ni Sen. Bong kay ‘Nay Lolit.

Wala man ang aktor/politiko sa party ay siya naman ang nagbayad ng nasabing birthday lunch bilang regalo sa beloved manager bukod pa nga sa dumating naman ang misis niyang si Congresswoman Lani Mercado at anak na si Bryan.

Ang bongga ng birthday tribute ni Congw. Lani dahil inisa-isa pa niya ang ibig sabihin ng mga letra sa “HARBAT” na siyahg tatak ni ‘Nay Lolit.

Naaliw kami sa meaning ng letter “T” na tsismosa raw. Mas marami pa raw kasing alam na tsismis si ‘Nay Lolit kesa sa kanya tungkol sa kanyang mister.

“Nalalaman ko ang lahat ng tsismis tungkol sa asawa ko dahil sa kanya. At mahusay siyang mag-imbestiga kesa sa akin,” sey pa ni Lani.

Hahaha!

AUTHOR PROFILE