NAIA Source: NAIA FB

Lokal, intl flights sa NAIA naantala

May 20, 2024 Jun I. Legaspi 157 views

ILANG lokal at international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang naantala noong Lunes, ayon sa aviation authorities.

Sa advisory na inilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ugat ng pagkaantala ang problema sa software ng Air Traffic Management Center.

Para na rin sa kaligtasan ng lahat lalo na ng mga bumibiyahe, nagdesisyon ang CAAP na magsagawa ng conservative at kaukulang aksyon ng mas mahabang separation ng departing flights.

Nilinaw ng ahensiya na ang departing flights lamang ang nakaranas ng longer separation intervals.

Sa mga kasunod na update advisory bandang alas-11:27 ng umaga ng naiulat ang nasabing pagkaantala ng mga departing flights.

Dakong alas-2:02 ng hapon naglabas uli ng update ang agency at sinabi nito ang sanhi ng problema at ang regular flight operation nagbalik na.

Ayon pa sa advisory ng agency nagpapatuloy ang agency sa pagkuha ng mga impormasyon kaugnay sa nangyaring flight disruptions.

AUTHOR PROFILE