Albie

Baby boy ni Albie sa foreigner GF unang apo sa pamilya Casiño

May 20, 2024 Vinia Vivar 115 views

Kumpirmadong tatay na si Albie Casiño. Ito ang ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

Sa simula ay blind item muna ang pagbabalita ni Ogie tungkol sa pagkakaroon ng anak ni Albie na nasa US umano ngayon para makita ang bagong-panganak na sanggol.

“Tumulak na patungong US ang young actor para makita, mahawakan, makarga ang kanyang unang anak, ang kanyang baby boy. Kasi nga ang kanyang dyowa na isang foreigner ay nanganak na nu’ng April 30,” simula ni Ogie.

“So, after nu’ng kanyang palabas ay tumulak na siya patungong US para, alam mo na, para maramdaman niya na tatay na talaga siya dahil first time niyang makikita ‘yung kanyang anak,” dagdag ng talent manager/content creator.

Tinanong ng co-host niya kung anong project ang natapos ng aktor at mabilis na sagot ni Ogie, ‘yung Can’t Buy Me Love.

At dahil nga maraming aktor sa nasabing serye ay hinulaan ng dalawang co-hosts ni Ogie kung sino ito. Binanggit nila ang mga pangalan nina Donny Pangilinan, Darren Espanto, Anthony Jennings at pati nga si Rowell Santiago ay pinaghinalaan din.

Puro ‘no’ ang sagot ni Ogie sa mga suspek na aktor.

Nang kulitin na si Ogie kung sino ba talaga ang aktor, pagre-reveal niya, “si Albie Casiño.”

May blessing naman umano ni Albie ang pasabog na ito at proud nga ang aktor.

“Proud siya, ha? Proud siya. Sabi niya kasi sa ‘kin, ‘intayin mo muna akong makaalis, Tito Ogie, ha?’” kwento ni Ogie.

Ang baby boy ni Albie ay first apo sa pamilya Casiño.

“At nakita ko, napakagwapo (ng baby). Hawig din kay Albie, in fairness. Sobrang tuwang-tuwa si Albie. Hindi raw niya ma-ano, contain ‘yung kanyang nararamdamang saya,” dagdag pa ni Ogie.

‘Yun na! Wait na lang tayo kung kailan naman ii-introduce ni Albie sa publiko ang kanyang baby boy.

AUTHOR PROFILE