Lolit

Lolit ibinuking si Nanette

May 20, 2024 Vinia Vivar 140 views

Nakakatuwa ang kwento ni ‘Nay Lolit Solis tungkol sa dating alagang si Nanette Medved na niregaluhan siya ng star sa langit na nakapangalan sa kanya.

“Isang birthday ko, may regalo siya sa ‘kin. Sabi ko, ‘ano ‘tong papel na ‘to?’ ‘Yun pala, binigyan niya ako ng star, ‘yung isang star sa langit, akin ‘yun,” kwento ng veteran entertainment columnist/talent manager sa kanyang birthday lunch last Sunday.

‘Yung papel na ibinigay sa kanya ay certificate of star na nagsasaad na nakapangalan sa kanya ang isang star sa langit. Bongga, ‘di ba naman?

Nu’ng minsan naman daw ay niregaluhan siya ni Nanette ng isang cupcake sa kanyang kaarawan. Tawa nang tawa si ‘Nay Lolit habang nire-recall ito. Akala raw niya ay may alahas sa likod ng cupcake kaya kinalkal niya ito.

“’Yun pala, talagang cupcake lang siya,” tsika ni ‘Nay Lolit.

“Si Nanette, krungkrung din,” saad pa ng birthday celebrant.

Pati si Nanette ay tawa rin nang tawa sa pambubuking ng kanyang dating manager.

Mensahe naman ng dating aktres kay ‘Nay Lolit, kahit hindi sila madalas magkita ng former manager ay mahal na mahal niya ito.

AUTHOR PROFILE