Allan

85 years na ang QC

May 20, 2024 Allan L. Encarnacion 128 views

NGAYONG taon ay ipinagdiriwang ng Quezon City ang kanyang ika-85th founding year.

Bagama’t sa Caloocan ako isinilang noong 1967 sa Bagong Barrio at kamusmusan sa Grace Park hanggang 1977, ang buhay ko magmula 1978 hanggang ngayong 2024 ay umikot na sa Quezon City.

Dito na ako nagkamalay, dito na ako nag-aral ng elementarya at sekondarya bagama’t sa Lyceum sa Manila ako nagkolehiyo. At dito na rin ako nagkapamilya.

Nasubaybayan ko ang lungsod magmula sa mga panahong ang alkalde ay si Madame Adelina Rodriguez, hanggang naging officer in charge at mayor si Jun Simon matapos ang 1986 people’ power revolution.

Pinalitan ni Mayor Mel Mathay, Jr. si Simon at sinundan naman ni Speaker Sonny Belmonte bago pa si Mayor Herbert Bautista.

Ang kasalukuyang alkalde ngayon ay si Mayor Joy Belmonte na isinilang noong March 15, 1970. Si Joy ay tatlong terminong naging bise-alkalde at anak ni Speaker Belmonte.

Bagama’t ang lahat ng mga nakaraang alkalde ay may kanya-kanyang naging kontribusyon kung nasaan ang Lungsod Qiuezon ngayon, puwede nating sabihin na ang most challenging term ay itong kay Mayor Joy. Una, nagdaan sa dalawang taong pandemic, pangalawa, mas malaki na ang populasyon sa bilang na 3.2 million, pangatlo mas maraming problemang dinatnan niya at mas mabigat ang mga nakaatang ng obligasyon.

Hindi madaling mapanatiling vibrant ang mga negosyo sa panahong ng pandemya subalit napapatag ni Mayor Belmonte ang financial status ng lungsod. Isipin nyo na lang na pakaraming gastos ng lungsod mula sa bakuna, quarantine facilities, mga serye ng ayuda tapos walang umaandar na negosyo.

Iyong metikulosong fiscal management ni Mayor Joy ang nagmarka talaga sa COA kaya makailang ulit itong nagawaran ng highest award ng komisyon. Hindi natin alam kung kakayanin ito ng iba kung hindi si Mayor Joy ang nakaupo. Sobrang laki ng land area, ang laki ng populasyon tapos walang masyadong kinita dahil sa pandemya. Katatagan at kahusayan sa pamamahala ang nagdala, sabi nga.

Nasa P33.5 billion na ang taunang budget ng QC ngayon at mismong Commission on Audit ang nagkumpirma na richest city ang lungsod. Iyong sinop talaga sa pananalapi ni Mayor Joy at ang totoong business friendly enviroment na kanyang ipinatupad ang hightlights ng founding anniversary ng Kyusi na dapat ikarangal ng QCitizens.

Mapalad pa rin ako dahil nakita ko pang umunlad ang aming lungsod sa ilalim ng batang alkaldeng si Mayor Joy.

Mabuhay ang Lungsod Quezon sa kanyang 85 na taong ng pagkakatatag!

[email protected]