Timbog LAGLAG–Kulungan ang kinahantungan ng lalaking ito matapos maaresto dahil sa pagdadala ng patalim. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki kulong dahil sa patalim

May 20, 2024 Jonjon Reyes 106 views

KULONG ang inabot ng 32-anyos na gang member ng mahuli ng mga pulis ng Manila Police District-Delpan police station 12 na may bitbit na patalim noong Linggo sa Gate 13, Parola compound, Brgy. 20, Tondo, Maynila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Ace Baybayan, hepe ng MPD Delpan Police Station 12, ang naarestong suspek na alyas Romar ng Parola compound, Tondo.

Base sa ulat, bandang alas-2:10 ng hapon ng namataan ang binata na may kahinahinalang ikinikilos at balisa sa kanyang kinalalagyan.

Nang lapitan at sitahin ng mga pulis, nadiskubre ng mga operatiba na may dalang patalim ang binata.

Agad na dinisarmahan ang binata at inaresto.

Sinampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Batas Pambansa 6 o Illegal Possession of Deadly Weapon.

AUTHOR PROFILE