Nancy Binay

‘Wag tayo patinag sa disinformation campaign sa WPS–Sens. Binay, Jinggoy

May 9, 2024 PS Jun M. Sarmiento 85 views

IGINIIT ng dalawang senador na hindi dapat magpatinag ang mga Pilipino sa mga lumalabas na disinformation campaign para pasamain ang mga Pilipino at maangkin ng Tsina ang teritoryo na inaagaw sa West Philippine Sea.

Ayon kay Sen. Nancy Binay, dapat tayong magpadala mensahe na hindi tayo patitinag at hindi rin tayo mapapaikot ng kanilang mga kasinungaling.

Sinang ayunan din ni Binay ang desisyon ng Pangulong Marcos Jr., kamakailan na huwag pumatol at gumanti sa pamamagitan ng water cannon.

“Alam din naman natin na kulang din tayo talaga sa bala. Hindi tayo kasing laki ng China pero hindi rin naman tayo papayag na tatapakan na lamang ang ating dignidad.

We should fight for our territorial rights,” ani Binay.

Gayunman, sinabi niyang dapat maging matalino, mapag isip ang ating mga kababayan sa mga kasinungalingan at disinformation campaign ng Tsina para sirain ang ating mga loob at paniniwala sa isat isa.

Iginiit ni Binay na ito ang tamang panahon para ipakitang nagkakaisa ang mga Pilipino at kaya natin isantabi ang anumang sigalot para sa kapakanan ng ating bayan.

Para naman kay Sen. Jose Jinggoy Estada, ang mga bagong modelo ng disinformation campaign ng gubyerno ng Tsina ikinakalat upang malito ang ating mamamayan at maguluhan tayo sa tunay na nangyayari.

“China’s claim is nothing more than smoke and mirrors. We will not be swayed by falsehoods,” sabi ni Estrada.

Maliwanag, sabi ni Estrada, na ang disenyo ng China at prioridad ang palabasin na sila ang tunay na may karapatan sa ating mga karagatan sa WPS.