Murder HULI KA BOY–Ang natimbog na murder suspek ng mga operatiba ng MPD. Kuha ni Jon Jon Reyes

Murder suspek laglag sa Maynila

May 9, 2024 Jonjon Reyes 171 views

INARESTO ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District ang 22-anyos na lalaki dahil sa kasong murder sa corner ng Taft Avenue at T. M. Kalaw St., Ermita, Manila noong Huwebes.

Nakilala ang suspek na si alyas Carlo ng Gabriel St., Brgy. 53, Tondo.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Ace Baybayan, hepe ng DSOU, bandang alas-4:20 ng hapon naaresto ang suspek habang nagtatago sa lugar.

Nasukol ang suspek sa bisa ng arrest warrant ni Judge Albert Tenorio, Presiding Judge ng Regional Trial Court, National Capital Region, Branch 14 ng Maynila.

AUTHOR PROFILE