BOC Source: Bureau of Customs FB file photo

BOC, BIR kinalampag ni PBBM sa smuggling sa sigarilyo, vape products

May 9, 2024 Chona Yu 70 views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Bureau of Customs at ang Bureau of Internal Revenue na palakasin pa ang kampanya laban sa smuggling sa sigarilyo at vape products.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos sa ika-anim na Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon sa Pangulo, dapat na mapangalagaan ang industriya ng tobacco sa bansa.

Kasabay nito, kinilala ni Pangulong Marcos ang pagsusumikap ng BOC at BOR sa kampanya kontra sa smuggling.

“Enforcement and anti-smuggling and all that. You really have to beef them up and I think we’re doing that. There will be [more efforts] with the Bureau of Customs and BIR so that we can improve performance with that regard,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Bilang tugon, sinabi ni Special Assistant to the President on Economic and Economic Affairs Frederick Go na na magtatalaga ang Department of Trade and Industry Consumer Protection Group ng mga tauhan na magmo-monitor sa vape industry.

Sinabi naman ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. kay Pangulong Marcos na pinaigting na ng kanilang hanay ang kampanya laban sa smuggling sa vape products at katunayan ay magpapatupad na ng implement a tax stamp system para matukoy ang mga ipinagbabawal.

May inilatag ng rekomendasyon ang PSAC-ASG para mapangalagaan ang tobacco industry.

Humihirit ang advisory body sa Department of Budget and Management (DBM) na i-release ang pondo base na rin sa isinasaad sa R.A. 4155 for the National Tobacco Authority (NTA) Sustainable Tobacco Enhancement Program (STEP).

Pinaamyendahan din ng advisory body ang Anti-Agri Smuggling Act of 2016 para maisama ang tobacco products. Nais din ng grupo na na magkaroon ng probisyon sa minimum retail price (MRP) at bigyan ng parusa ang mga nagbebenta ng smuggled products.

Nasa 2.2 milyong Filipino ang nabibigyan ng trabaho ng mga nasa tobacco industry. Nasa 4 percent ng total government revenues, o P135 bilyon ang naibigay ng tobacco industry sa gobyerno noong 2023.

AUTHOR PROFILE