Lacuna1

Manila employees priority sa 3 pabahay ng lungsod

May 20, 2024 Edd Reyes 119 views

BIBIGYAN ng prayoridad ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang mga empleyado ng Manila lokal na pamahalaan na magkaroon ng sariling bahay sa pagbubukas ng tatlo pang ipinatayong pabahay sa lungsod.

Ini-anunsiyo ng alkalde ang nalalapit na pag-turn over sa lokal na pamahalaan ng patapos ng 20-palapag na residential tower na San Sebastian Residences sa Plaza del Carmen St., sa Quiapo na isa sa anim na matataas na gusaling pabahay ng Maynila na sinimulang ipatayo sa panahon ni dating Mayor Isko Moreno Domagoso.

Ayon sa alkalde, nauna ng nai-turn over sa pamahalaang lungsod ang Basecommunity, Tondominium 1, Tondominium 2 at Binondominium na kasalukuyang tinitirhan na ng mga informal settlers na kabilang sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Umaasa ang alkalde na bago matapos ang 2023 maipapamahagi na rin ng lokal na pamahalaan ang dalawa pang proyektong pabahay–ang Pedro Gil Residences at San Lazaro Residences.

“Pero sa pagkakataong ito, ang prayoridad po natin ang ating mga empleyado. Hindi naman po kaila sa inyo, hindi naman po lahat ng empleyado ng Maynila may sariling tahanan,” pahayag ni Mayor Honey.

AUTHOR PROFILE