Marlon

Sagipin ang Coral Reef sa Pag-asa Island

May 9, 2024 Marlon Purification 84 views

MISMONG si University of the Philippines Institute of Biology (UPIB) professor Jonathan Anticamara na ang nagsabi na napakalaki na ang pinsalang inaabot ngayon sa Pag-asa island.

Ito rin ang ginagamit na batayan ni Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz Sr. upang umaksyon na ang pamahalaan para mapangalagaan at mapanumbalik ang ating yamang-dagat.

Alam nating lahat na kapag marumi ang karagatan, maraming pagkain ang makukuha mula sa yamang dagat ang maaaring mamatay na apektado hanggang sa ating hapag kainan.

Batay sa findings ng marine resource assessment unit ng UPIB, kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI), maraming koral ang namatay na at maliliit na lamang ang natitira kaya nakakabahala na ito dahil malaki ang magiging epekto nito sa ating biodiversity at maging sa hanapbuhay ng ating mga mangingisda.

“Based on study assessments, the Pag-asa coral reefs, the cay, the Pag-asa Island itself are now experiencing a speedy decline or degradation of overfishing and the habitat itself is in grave condition as it no longer is liveable for marine flora and fauna,” punto ni Dela Cruz.

Tinukoy din ng climate official na habang ang mga koral sa ibang bahagi ng bansa ay nakakaranas din ng degradation, kapansin-pansin ang kaso sa Pag-asa Island dahil malayo ito sa mainland at hindi gaanong dinadalaw ng ating mga mangingisda.

Bukod sa kapansin-pansing pinsala, nakakita din na may mga tumpok ng buhangin at bato sa apat na lugar ng isla na hindi likha ng kalikasan kundi pinaghihinalaang gawa ng tao.

“At the Pag-asa Cay 2, the pile of rubble, is over the height of a person. I don’t know if you can go around the Philippines and find an Island that’s formed by nature, a typhoon, or a current that will form that high,” nilinaw ni Dela Cruz, na isang biologist din at may hawak ng techonolgy portfolio ng Climate Change Commision (CCC).

Kasunod ng mga ulat ng mga aktibidad naq nakakapinsala sa ilang bahagi ng karagatan, partikular na sa West Philippine Sea, tinumbok ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang masasabing nasa likuran ng malawakang pinsala sa Pag-asa Island.

“Kung itong occurrence na ito ay hindi natural, hindi normal, sino ang nagtambak nito? Hindi ba? Well, we have the same suspect na naiisip niyo, and I think it is also the same suspect that I have on my head. There’s no other that we can name with these kind of activities, it’s only the People’s Republic of China,” idiniin ni Tarriela.

Sa ganang akin, napakahalaga na tugunan ang panawagan nina Commissioner Dela Cruz at Prof. Anticamara na tumulong tayo sa pagsasaayos at pangangalaga ng ating mga coral reef.

Dahil kapag marumi ang karagatan, ang direktang apektado rito ay mismong ating mga hapag kainan.