Nico4

Nico, may big break sa Korean series

December 9, 2022 Jun Nardo 101 views

NAGSIMULA bilang extra ang aktor na si Nico Antonio pero ngayon, international break ang dumating sa kanya nang makapasa sa audition ng Korean series na Big Bet na streaming sa Disney Plus channel simula sa December 21.

Kasama si Nico ng kilalang Korean stars at may Pinoy actors ding kasama sa series.

“When they told me I got the role at kung sino ang makakasama ko, nagulat ako dahil malalaki silang Korean actors,” sabi ni Nico sa solo presscon niya.

Nagpunta sa Korea si Nico last July upang i-shoot ang kanyang scenes.

Pero may mga eksena rin sila na kinunan sa Angeles City, Pampanga.

Eh, ano ang kaibahan ng shooting ng Korean series sa series natin?

“Mas marami silang pera at malaki ang budget. Para sa series, P1 billion ang nagastos nila more or less,” sabi ni Nico.

Korean won o pesos ang bayad sa kanya?

“They paid him in US dollars,” sabad ng mother niyang lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso, na naging manager niya para sa international break na dumating kay Nico.

Bukod sa international series, mapapanood din si Nico next year sa Kapuso series na Voltes V Legacy at may iba pang kasunod ang kanyang international project.

AUTHOR PROFILE