Jovit2

Industriya, nagulat sa pagkamatay ni Jovit

December 9, 2022 Jun Nardo 265 views

GINULAT ng singer na si Jovit Baldivino ang music industry sa biglaan niyang pagpanaw madaling araw kahapon, Biyernes.

Winner ng Pilipinas Got Talent season 1 si Jovit na pinahanga ang marami sa rendition niya ng ilang kanta gaya ng original Journey hit song na Faithfully.

Inihayag ng kapatid niyang si Gil Baldivino sa kanyang social media account ang pagpanaw ng kapatid.

Ayon sa pamilya niya, aneurysm ang ikinasawi ni Jovit matapos ang limang araw na pagka-comatose at pagkaka-confine sa ospital.

Namatay si Jovit sa gulang na 29 at naiwan ang kanyang asawa.

AUTHOR PROFILE