Jovit

Jovit, pumanaw sa edad 29

December 9, 2022 Eugene E. Asis 223 views

Jovit1

PUMANAW na ang kauna-unahang Pilipinas Got Talent winner na si Jovit Baldivino noong Biyernes nang umaga sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City. Siya ay 29 taong gulang.

Diumano, aneurysm ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa balita, hinimatay siya sa isang party noong Linggo, bagama’t una itong pinabulaanan ng kanyang asawang si Camille Ann Miguel.

Humingi pa ng dasal si Camille habang nasa ospital ang asawa at nakiusap sa mga netizen na huwag magpost ng anuman tungkol kay Jovit kung hindi sigurado.

Gayunman, siya ang unang nagpost tungkol sa pagkamatay ng asawa na may caption na ‘ASAWA KO’ kasama ng crying emojis.

Isang dating siomai vendor, sumikat si Jovit matapos manalo sa unang edisyon ng PGT. Nakilala siya nang husto dahil sa kanyang bersyon ng mga awiting “Too Much Love Will Kill You” at “Faithfully,” gayundin ng orihinal na awiting “Ika’y Mahal Pa Rin”. Nakabilang siya sa variety show na ASAP ng ABS-CBN sa loob ng walong taon.

Huling napanood si Jovit sa Family Feud Philippines na hino-host ni Dingdong Dantes sa GMA7.

Nagpaabot ng pakikiramay ang mga nakasama niya sa showbiz.

AUTHOR PROFILE