Default Thumbnail

Bata, 6, iniwan ng ina sa gilid ng pool, nalunod

May 2, 2024 Gil Aman 134 views

NALUNOD ang 6-anyos na batang lalaki matapos iwan ng kanyang ina sa gilid ng swimming pool sa Noah’s Park Resort sa Sitio Gulod, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ng Rodriguez police ang biktima na si alyas Emman.

Ayon sa pulisya, iniwan lang ng ina niya sa gilid ng swimming pool ang bata para kumuha ng pagkain.

Pero pagbalik dakong alas-10:00 ng umaga, wala na sa pwesto kung saan iniwan ang bata.

Humingi ng saklolo ang magulang ng bata sa resort worker at noon natagpuan sa ilalim ng swimming pool ang bata.

Isinugod sa H-Vill Hospital sa Brgy. Mangahahan ang biktima kung saan siya idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Catherine Perez, ang attending physician.

AUTHOR PROFILE