Default Thumbnail

Junket group kinasuhan sa Baguio

May 2, 2024 Jonjon Reyes 247 views

KINASUHAN sa Baguio City Prosecutor’s Office ng syndicated estafa ang mga lider at operator ng umano’y casino junket scam group na Team Z sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation-Cordillera Administrative Region (NBI-CAR).

Kinilala ang mga kinasuhan na sina Hector Aldwini Liao Pantollana, Hubert Aldwin Liao Pantollana, Virginia Martin Arreta Casupanan, Hazen Carreon Humilde, Jerry Cuapingco, Hein Carreon Humilde, Mikaella Damasco Ty-Choi, Mark Stephen Alzona, Charina Jane Abaeo, Rosemarie Cuapingco Humilde, Marwin Keithley Humilde, Edwin P. Humilde, Gracelyn Ipac, Keith Cassandra Panganiban Humilde, Erica Dayrit at Lyca Dayrit.

Nagsimula ang NBI-CAR sa kanilang imbestigasyon sa Team Z noong 2022 at nagtapos sa pagsasampa ng mga kaso laban sa mga pinuno at operator nito nang maantala ang pagbabayad ng mga akusado sa mga namumuhunan.

May mahigit 300 complainant laban sa casino scam group, ayon sa NBI.

Natuklasan ng NBI-CAR na hindi otorisado at lisensyadong na mag-operate bilang casino junket ang Team Z.

Modus ng Team Z na hikayatin ang publiko na mamuhunan sa kanilang negosyo kapalit ng 5% buwanang kita mula sa kanilang pamumuhunan na naka-lock-in sa loob ng isang taon.

Nagbigay ng tour at libreng kwarto sa mga nag-invest sa kanila ang grupo ng hindi bababa sa P1,000,000 bilang bahagi ng kanilang modus.

Gayunpaman, napansin ng mga nagrereklamo na ang mga akusado ay hindi pinapayagang pumasok sa anumang junket room.

Pinaniniwalaang nanloko ng 10,000 mamumuhunan at tumakas na may higit sa P4.5 bilyon ang mga nasa likod ng Team Z.

AUTHOR PROFILE