Suspek File photo ni JONJON REYES

Murder, frustrated murder suspek nasakote sa Laguna

May 17, 2024 Gil Aman 131 views

CAMP BGEN Paciano Rizal–Kulong ang isang lalaki matapos maaresto sa kasong pagpatay at frustrated murder sa Calauan, Laguna noong Lunes.

Kinilala ni PCol. Gauvin Mel Unos, acting director ng Laguna police, ang akusado na si alyas John ng Calauan, Laguna.

Sa ulat ni PMaj. Melencio Arcita, hepe ng Calauan police, nagkasa ang kanilang mga operatiba ng manhunt dakong alas-4:55 ng hapon sa Brgy. Lamot 2, Calauan, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado.

Inaresto si alyas John sa bisa ng warrant of arrest galing sa Regional Trial Court, Branch 107 ng Los Baños, Laguna.

Nasa kustodiya ng Calauan police ang akusado.

“Sa pagkakaaresto sa taong ito, makakamit na din ng mga biktima ang hustisya. Maraming salamat sa mga mamamayan ng Laguna na tumutulong upang mahuli at mapanagot ang mga nagtatago sa batas,” sabi ni Unos.

AUTHOR PROFILE