Labor

Labor Day sa Batangas payapa

May 2, 2024 Jojo C. Magsombol 90 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Payapa ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Batangas, ayon sa hepe ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) na si Police Colonel Samson Belmonte.

Ipinaabot din ng provincial director ang kanyang pagpapasalamat sa ibang mga ahensya ng gobyerno na tumulong sa BPPO sa pagpapanatili ng matagumpay na pagdaraos ng Labor Day.

Pagpapatunay ang pagtutulungang ito ng isang maganda at malakas na ugnayan ng kapulisan sa komunidad.

Dahil sa pinagsama-samang pagsusumikap ng BPPO at ng mga katuwang nito, walang naitalang untoward incident sa pagdaraos ng Labor Day.

Nagpapakita ang positibong resultang ito ng buong-pusong serbisyo ng kapulisan sa ating mga kababayan, ayon sa opisyal.

AUTHOR PROFILE