Rice Source: DA FB

Hiling ng DA sa Kongreso: Rice Fund palawigin hanggang 2030

May 2, 2024 Cory Martinez 63 views

HINILING ng Department of Agriculture (DA) sa Kongreso na palawigin pa ang pagpapatupad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (Rice Fund) hanggang 2030 upang patuloy pang matulungan ang mga mahihirap na magsasaka.

Sa kanyang testimonya sa Committee on Agriculture sa Kongreso, ayon kay Christopher Morales, DA Undersecretary for Rice Industry Development, malaki ang naitulong ng Rice Fund sa industriya ng bigas, partikular na sa pagtaas ng ani ng mga magsasaka at paglaki ng kita nila.

Ang Rice Fund, na ipinapatupad sa ilalim ng Rice Tariffication Act, ang kumakatawan sa taripa na nakokolekta mula sa mga inangkat na bigas ng pribadong sektor sa pagitan ng 2019 at 2025 at inilalaan sa modernisasyon at mapaunlad ang produksiyon ng industriya ng bigas.

Kada taon, umaabot sa P10 bilyon na Rice Fund ang ginagamit para sa mechanized rice farming; pagbibigay ng mas magandang butil ng bigas at iba pang pangangailangan sa pagsasaka upang tumaas ang ani at magdagdagan ang kita ng mga magsasaka.

Binibigyan din ng financial assistance ang magsasaka ng bigas na may binubungkal na hindi higit sa dalawang ektarya.

Sinabi pa ni Morales, simula nang pinatupad ang RTL, nakapamahagi na ang pamahalaan ng mahigit sa 15 milyong sako ng certified rice seeds sa may 1.2 milyon na magsasaka at mga 27,508 na makinarya, equipment at post-harvest facilities upang mapaganda ang produksyon at mabawasan ang pag-aksaya ng mga pagkaing agrikultura.

Dagdag pa ni Morales na nakapagbigay na rin ng training para sa may 250,000 na magsasaka hinggil sa mas maayos na
farming technologies, P4.6 bilyon para sa pautang credit, at P20.1 bilyon na financial assistance.

“Kahit kami ay nasa tamang direksyon tungo sa aming inaasahang impact ng Rice Fund, malayo pa ang dapat naming tahakin,” ani Morales matapos bigyang diin ang pagpapalawig ng Rice Fund na matatapos ang pagpapatupad nitobsa susunod na taon.

“The extension of the Rice Competitiveness Enhancement Fund until 2030 and reallocation of funds towards farm machinery, seed development, and training and extension services are recommended, with special attention given to soil health improvement initiatives,” dagda pa ni Morales.

AUTHOR PROFILE