Rape NO MORE TAGUAN BOY–Tila maamong tupa ang suspek sa rape at acts of lasciviousness na nagtago ng anim na taon sa Pasig City. Kuha ni Jon Jon Reyes

Nang-rape tiklo matapos mag hide-and-seek ng 6 yrs

March 26, 2024 Jonjon Reyes 67 views

ARESTADO ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District-Malate Police Station 9 ang 42- anyos na construction worker na nagtago ng anim na taon dahil sa kasong panghahalay at act of lasciviousness sa Pasig City noong Biyernes.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, hepe ng Station 9, bandang ala-1:00 ng madaling araw ng matiklo si alyas Alvin ng Victorino Extension, Pasig City.

Napag alaman na 16-anyos pa lang noon ang biktima nang pag samantalahan ng suspek habang nagtatrabaho ang suspek sa manukan sa Pasig City.

AUTHOR PROFILE