Ynares

Road closures sa Antipolo

March 26, 2024 People's Tonight 130 views

ANTIPOLO City — Kasunod na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga deboto na sasama sa “Alay Lakad,” inanunsyo ng lokal na pamahalaan ang mga ipatutupad na road closures at rerouting para sa naturang tradisyunal na religious activity.

Ayon kay Mayor Casimiro “Jun” Ynares III ipatutupad ang pagsasara at rerouting ng ilang kalsada simula sa March 28, Huwebes Santo, mula 6 pm., hanggang March 29, Biyernes Santo ng 6 a.m.

Kabilang sa mga isasarang kalsada ay ang: Tikling papuntang Shopwise; J.P. Rizal St.; P. Oliveros St.; M. L. Quezon St.; Carigma St.; San Jose St.; C. Lawis St.; Masangkay St.; Bonifacio St.; Dela Paz St.; Daang Bakal Rd.; at ang Marigman at Cabrera Rd.

Samantala, sinabi ni Mayor Jun na ang papatupad na traffic rerouting scheme ay papatupad sa mga light at heavy vehicles mula sa Poblacion, Antipolo at sa mga kalapit na bayan ng Teresa at Angono, papunta sa Marcos Highway at vice versa.

Pinapayuhan ang mga motorista na kuhanin ang Circumferential Road; Sumulong Highway and Olalia Road (para sa light vehicles).

Ang mga light vehicles naman mula sa Teresa patungong Maynila ay pinapayuhan na dumaan sa M.L. Quezon Ext. saka magtungo sa Mahabang Parang, Angono at Binangonan; maari naman na dumaan sa Sapang Buho ang mga patungo sa Angono at Binangonan.

Samantala, ang Olalia Rd. at ang Blue Mountain ay gagawin pansamantalang one-way para sa mga pababa at isasara sa lahat ng uri ng sasakyan mula 6 pm., ng March 28 hanggang 6 am., ng March 29.

Ang mga kalsada naman ng Ortigas Ave. Extn. mula sa Rotonda ng Kaytikling paakyat ng Antipolo ay isasara sa lahat ng uri ng sasakyan at babantayan ito ng PNP.

“Pansamantala munang hindi ipapatupad o lifted ang number coding scheme para sa mga tricycle sa mga nasabing araw,” dagdag ni Mayor Jun.

“Isang ligtas at mapagpalang Semana Santa sa ating lahat,” pagtatapos ni Mayor Jun.

AUTHOR PROFILE