Hipon Girl pasok sa Top 40 ng Bb. Pilipinas 2022
WALANG mag-aakala na makakapasok sa Top 40 ng mga kandidata ng 2022 Bb. Pilipinas candidates ang dating co-host ni Willie Revillame sa kanyang top-rating afternoon daily game show dati sa GMA, ang “Wowowin” na si Herlene Nicole Budol na mas kilala as “Hipon Girl”.
Si Herlene ay personal naming nakilala at nakaharap sa search for 2022 Miss Ever Bilena (isa sa mga major sponsors ng Bb. Pilipinas) at anim pang titulo tulad ng 2022 Miss Hyaloo, Miss Spotlight, Miss Hello Glow, Miss Ever Organics, Miss Careline at Miss Black Water na ginanap sa Ever Bilena Headquarters in Caloocan City last Friday (May 27) ng tanghali. All the forty candidates were presented to the board of judges. Naroon din ang top executives ng Ever Bilena nna pinangunahan ng Chairman-CEO na Deocildo Sy, Silliman Sy, Denice Sy-Munez at iba.
Ever Bilena, the country’s leading local cosmetics brand has been the official sponsor of Bb. Pilipinas for the past four years.
Ang mga past Miss Ever Bilena winners include 2018 Miss Universe Catriona Gray in 2018, Vickie Rushton in 2019 and Samantha Bernardo in 2020.
Sandali naming nakakuwentuahan ang 22-year-old na si Herlene at inamin nito na hindi siya confident na mananalo siya dahil hindi umano siya magaling mag-English (unlike the rest of the candidates) at may diperensya ang kanyang diction. Pero malaking karangalan umano para sa kanya na siya’y pumasok sa Top 40 candidates pagkatapos ng final screening.
Although hindi namin tinanong si Herlene about her cosmetic job, obvious naman ito lalung-lalo na sa kanyang nose at ngipin. Maganda ang kanyang height (5’9”) at marunong na rin siyang rumampa tulad ng ibang mga kandidata.
She’s No. 8 among the 40 candidates at siya ang kinatawan ng Angono, Rizal. In 2017, siya’y tinanghal na Binibining Angono ng Sining at doon umano siya tinawag ng kanyang mga ka-barangay na `Hipon Girl’ dahil hindi umano sila makapaniwala na siya ang mananalo. Pero ang malaking break ay dumating sa kanya nang siya’y mag-audition para sa “Willie of Fortune” segment ng “Wowowin” hosted by Willie Revillame on GMA. Natuwa umano sa kanyang ang TV host-producer na si Willie ay siya’y ginawang isa a kanyang mga co-host sa programa .
Ang kanyang acting debut ay nangyari sa “Magpakailanman” drama anthology hosted by Mel Tiangco sa pamamagitan ng “Yaya Dubai & I”. Ito’y nasundan nang siya’y maging bahagi ng “Madrasta” TV series ng GMA maging sa comedy series na “One of the Baes” (also on GMA).
Ang guesting ni Herlene sa “Magpakailanman” ay naulit nang isadula ang kanyang buhay sa “Magpakailanman: A Girl Named Hipon (The Herlene Budol Story)” with her portraying herself.
Ang National Director ng Mr. Gay World Philippines at entrepreneur na si Wilbert Tolentino ang tumatayong talent manager ngayon ni Herlene dahil niloko umano siya ng kanyang dating manager at hindi ibinigay sa kanya ang perang kanyang kinita including her product endorsements.
Si Herlene ay bunso sa apat na magkakapatid (sa mother side) at lahat umano sila panganay na anak sa magkakaibang tatay. Siya’y laki sa kanyang grandparents pero ngayon ay kasama na umano niya ang kanyang biological father.
Since No. 8 is a lucky number at ito ang numero ni Herlene as Nicole Budol, magkaroon kaya siya ng titulo sa darating na grand coronation night sa buwan ng Hulyo?
Hurado ng 2022 Bb. Pilipinas mahihirapan
TIYAK na mahihirapan ang mga hurado sa darating na grand coronation night ng 2022 Bb. Pilipinas pageant sa darating na July na gaganapin sa Big Dome (Araneta Coliseum) dahil naggagandahan ang 40 official candidates in this year’s edition.
Ang kinatawan ng Cainta, Rizal ay ang No. 1 candidate na si Stacey Daniella B. Gabriel, anak ng aming kaibigan na si Kite Gabriel (sa dating actor na si Ramon Recto). She even reminded us na kami raw ang naging daan para ma-connect siya sa kanyang biological father a long time ago kahit hindi na namin ito matandaan.
Representative naman ng aming hometown ni Boy Abunda, ang Borongan City, Eastern Samar ang 24-year-old na si Gabriella Camille Basiano. She is #13.
Ang dalawa pang Waray-Waray candidates sa Bb. Pilipinas ay sina Natasha Ellama Jung (19) at #33 (also from Samar) at si Chelsea Lovely Fernandez at #3. She is from Tacloban City kung saan ang mayor si Alfred Romualdez, mister ng singer-actress at dating politician na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez.
SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.