kylie bolera

Kylie, inamin ang bagong pag-ibig

May 28, 2022 People's Tonight 516 views

Matapos makipaghiwalay sa asawang si Aljur Abrenica last year, may bago nang pag-ibig si Kylie Padilla ngayon.

Inamin ito ng aktres sa kanyang panayam sa podcast ni Nelson Canlas.

Sa naturang panayam, ay diretsong tinanong si Kylie if she’s dating at diretso rin ang kanyang sagot.

“Yes, I am dating,” aniya.

Pero ayaw na niyang magbigay ng detalye tungkol dito.

Asked kung ready ba siya to have a blended family at sagot niya, “Ay, oo, blended family kami, eh.”

Pero malayo pa raw kung pag-aasawa niyang muli ang tatanungin.

“Huwag na muna, ine-enjoy ko pa,” she said.

Pero welcome naman daw sa kanya if ever na dumating nga sa ganu’ng stage na sila ni Aljur ay magkaroon na ng bagong pamilya.

“I’m really welcoming that with open arms kasi kung pure naman ‘yung love, sa amin, everybody even on his side, then, bakit hindi? ‘Yun naman ang importante. If we’re taking care of each other, loving each other and accept each other, why not?” she said.

Nagsalita rin siya about Aljur at aniya ay okay na okay naman daw ang relasyon nila ngayon.

“We’re friends, we’re good na,” sambit niya.

Ipinahayag din niya na gusto niyang maging happy si Aljur simply because he’s the father of her two kids.

“Gusto kong maging masaya siya kasi ‘yun din ang wish ko for me, eh,” sey niya.

thirstyWALANG REKLAMO SA DARING SCENES

Ang up and coming stars na sina Adrianna So at Kych Minemoto na parehas nakilala dahil sa isang hit web series ang bibida sa pelikulang PaThirsty ng Idea First Company.

Aminado si Adrianna na talagang nagpaka-daring siya sa movie at first time niya itong ginawa.

Sa pelikula ay si Alex Diaz ang kapareha niya at thankful siya sa aktor sa pag-alalay na ginawa nito sa kanya.

“It’s my first time to do a full-blown intimate scene and yeah, I’m thankful nga na partner ko si Alex kasi sobrang marunong siyang mag-alaga ng co-star and he knows how to ask my boundaries and, of course, my consent sa mga scene,” sey ni Adrianna sa mediacon for PaThirsty last Thursday.

Dagdag niya, marami siyang ginawang “first” sa movie.

“Lahat ng ginawa ko rito, first time ko lang talagang ginawa. Ganu’n siya ka-sexy,” aniya.

Of course, very challenging daw sa kanya ang lahat ng sexy scenes pero nagtiwala na lang siya sa direktor na si Ivan Andrew Payawal.

“At saka inalagaan naman talaga kami ni direk Ivan. Sa shots, sa lahat, kung saan ‘yung comfort zone namin. Sobrang sayang gawin talaga nitong pelikula kaya sana mag-translate rin sa audienc

kung gaano ito kasaya,” sey ni Adrianna.

Puring-puri naman ni Direk Ivan ang professionalism ng kanyang mga artista at wala raw reklamo ang mga ito sa mga daring scene.

Ang PaThirsty ay isang sex-comedy mula sa same universe ng hit BL franchise na Gameboys.

 

Kwento ito nina Pearl (Adrianna) at Achilles (Kych), ang mag-besties na parehong broken-hearted dahil sa kanilang failed relationships.

Mai-in-love sila pareho sa isang lalaki na ginagampanan naman ni Alex.

Mapapanood na sa June 1 ang PaThirsty sa Vivamax Plus at available naman sa Vivamax on June 29. Kasama rin sa movie sina Kate Alejandrino at Bob Jbeili.

AUTHOR PROFILE