Patay REST IN PEACE–Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga operatiba ng Forensic Unit ng MPD sa pinangyarihan ng pamamaril kung saan isa ang patay at dalawa ang tinamaan ng ligaw ng bala. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki patay sa RIT; 2 nadamay, buhay

May 28, 2024 Jonjon Reyes 90 views

ISA ang patay at dalawa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem (RIT) sa Hermosa St., Brgy. 200, Tondo, Maynila noong Martes.

Namatay si Johnny Rome Tiangco, 31, at ligtas na ang dalawa pang nadamay sa pamamaril na nakilalang sina Allen Derick, 25, at isang pang 13-anyos na biktima.

Nabatid sa imbestigasyon na may bigla na lang sumulpot sa likuran ng biktima at saka pinagbabaril ng suspek at tinamaan naman ang dalawang nakaligtas.

Umeskapo ang dalawang suspek lulan ng motorsiklo patungong Juan Luna St., Tondo.

Base sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Jose Abad Santos police station 7, bandang alas-5:50 ng hapon ng maganap ang pamamaril sa tapat ng bakery sa nasabing lugar.

Ayon sa report ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD- Homicide Section, parehong nakaitim na jacket ang dalawang suspek.

AUTHOR PROFILE