Tirzo

Singer na ipinalit kay Eva Darren ’di kinakaya ang pangba-bash ng netizens

May 28, 2024 Vinia Vivar 132 views

Nagsalita na si Sheena Palad, ang young singer na pumalit kay Eva Darren para maging presenter ng Special Citations award sa 72nd FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Awards Night held last Sunday at The Manila Hotel.

As we all know, talk of the town ang nangyari kay Eva sa naturang awards night kung saan ay inimbita siyang maging presenter kasama ni Tirso Cruz III ng Special Citation pero hindi siya nakaakyat ng stage and instead ay pinalitan siya ng isang young singer.

Naglabas ng sama ng loob ang anak ni Eva na si Fernando dela Pena sa Facebook account nito sa ginawang pambabastos sa veteran actress.

Kaagad namang naglabas ng public apology ang FAMAS kay Eva at sa pamilya nito dahil sa nangyari.

Sa pamamagitan ng isang video kasama ang boyfriend na si Johann Enriquez, host ng FAMAS awards night, in-address ni Sheena ang tungkol sa controversy.

Ayon sa singer, hindi niya alam na papalitan niya si Eva bilang presenter ng gabing iyon at kinausap lang naman siya ng staff na mag-present ng award.

Ayon naman kay Johann, “Whatever happened po, talagang we feel sorry about it. And si Sheena, wala po siyang kinalaman about what happened. I think FAMAS is doing its best to mitigate the concern.”

Sinabi rin ni Sheena na dahil sa nangyari ay naba-bash siya ngayon at naha-harass ng mga netizen to tne point na hindi na niya kinakaya.

“I am being harassed, maligned, called names and thrown offensive accusations today online and ALL I CAN SAY IS… Buti na lang may Lord Jesus Christ ako sa buhay ko.

“Honestly, Hindi ko kaya ‘to! It’s also a lesson for everybody to not QUICKLY judge a person. And makes me think too that what I’m going through doesnt even come close to what my Savior had to go through when He suffered and died on the cross for me. Thank you po!” pahayag ng singer.

AUTHOR PROFILE