Rhea

Marian, amazed sa pagtulong ni Rhea

May 28, 2022 Jun Nardo 302 views

NASAKSIHAN ni Marian Rivera ang pagtulong ni Rhea Tan ng Beautederm sa mga sa mga tao nang minsang dumalo siya sa isang event sa Pampanga.

“Amazed ako sa ginagawa niyang tulong sa mga tao. Sabi ko kay kay Dong, ‘Masarap tulungan ang taong gaya niya!’ Kaya isa si Ate (Rhea) sa taong mahal na mahal ko,” saad ni Yan sa renewal ng kontrata niya sa Beautderm Home Reverie.

Four years na ang pagiging magkaibigan nina Rhea at Marian.

Saad ni Rhea, “Kahit hindi ako kasing yaman ng ibang ini-endorse ni Marian, nakita ko ‘yung concern sa kanya. Siya mismo ang nagsa-suggest kung ano pa ang dapat pagbutihin sa produkto namin. Kaya may bagong produkto kami sa Beautederm Home.

“Beyond friendship na ang relasyon namin. Pareho kami ng ugali na kapag gusto namin ang isang tao, gusto namin at kung ayaw, ayaw namin,” rason ni Rhea.

CAST REVEAL

ILALANTAD na bukas, Biyernes, ang cast na magiging bahagi ng GMA franchise ng much-awaited Running Man PH.

Mula sa South Korea ang Running Man PH at ang GMA ang naka-jackpot sa local franchise nito.

Bukas din ang final episode ng False Positive series nina Glaiza de Castro at Xian Lim.

Sa series na ito, talagang pumayag si Xian na maging crossdresser, huh!

AUTHOR PROFILE