Kulong

Senglot naghasik ng bala dahil sa kubeta

May 10, 2024 Jojo C. Magsombol 72 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Isang lasing na lalaki kamakalawa ang inaresto ng mga pulis nang magpapaputok ng baril dahil hindi pinagamit ng kubeta sa Antipolo City, Rizal.

Naganap ang insidente sa Sitio Cacalog, Phase 1, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City, ayon kay Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun.

Lumabas sa imbestigasyon na may hindi pumayag sa lasing na suspek na nagbebenta ng banana cue na gumamit ng pribadong comfort room dahil para sa mga customer lang ang toilet na iyon.

Nagalit ang suspek at biglang nagbunot ng baril at pinaputukan ang biktima ng isang beses.

Maswerte at nakailag ang biktima at agad humingi ng tulong sa mga otoridad kaya naaresto ang suspek.

Isang cal. 22 na revolver, limang bala at isang basyo ng bala ang nakumpiska ng mga pulis mula sa suspek.

Sasampahan ng mga kasong attempted homicide at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang lasing na suspek.

AUTHOR PROFILE