Pension PENSION–Kasama ni Congressman Loreto Amante (gitna) ng ikatlong distrito ng Laguna ang mga estudyante at iba pang mamamayan na tumanggap ng payout katuwang si Speaker of the House Ferdinand Romualdez. Kuha ni Gil Aman

P500 pension/buwan aprub na sa House committee

May 10, 2024 Gil Aman 68 views

SAN PABLO City–Aprubado na sa committee on appropriations ang budget para sa panukalang batas na naglalayong magkaloob ng universal pension sa lahat ng senior citizens.

Ito ang sinabi ni Laguna 3rd district Rep. Loreto “Amben” Amante matapos ang committee hearing sa Kongreso.

Ayon kay Amante, isasalang na sa 2nd reading ang panukala at kung magiging ganap na batas magbibigay ito ng P500 social pension sa lahat na mga senior citizens na hindi sakop ng kasalukuyang pension.

Pagkaraan ng limang taon, gagawing P1000 na kapantay ng benepisyong natatanggap ng mga kasalukuyang benepisyaryo.

May P89 bilyon ang inilaan ng Kongreso para dito ayon kay Rep. Amante, vice chairman ng Committee on Senior Citizens at miyembro ng Committee on Appropriations.

Konsolidasyon ang panukalang batas hinggil sa mga panukala kung saan isa si Rep. Amante sa mga co-author.

AUTHOR PROFILE