Magsasaka

Kontribusyon ng mga mangingisda, mangingisda sa kaunlaran ng PH ipinagbunyi

May 28, 2024 Cory Martinez 71 views

PAGNILAYAN natin ang pambihirang kontribusyon ng ating mga magsasaka at mangingisda sa kadakilaan at kaunlaran ng ating bansa.

Ito ang panawagan ni Agriculture Undersecretary for Operations Roger Navarro sa ginanap na pagkilala sa mga achievement at kontribusyon ng mga magsasaka at mangingisda sa closing ceremony ng National Farmers’ and Fisherfolk’s Month (NFFM).

Ayon kay Navarro, na siya rin ang 20224 NFFM chairperson, malaki ang pasasalamat ng ahensya sa mga magsasaka at mangingisda kaya’t taunang pinagdiriwang ang naturang okasyon

“Ang Farmers’ and Fisherfolk’s Month ay panahon ng paggunita at malalim na pagpapahalaga ng katapatan at determinasyon sa ating mga pagsisikap bilang mga lingkod-bayan,” ani Navarro.

Samantala, kinilala rin ni Senator Cynthia Villar, bilang chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, Agrarian Reform, Environment, Natural Resources, and Climate Change, ang malaking papel na ginagampanan ng mga magsasaka at mangingisda at kanyang iniulat na ina-update na ang mga legislations na tinatrabaho ng kanyang team.

Kabilang sa mga prioriyadad ng kanyang komite ay ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at ang bill para sa development at promotion ng livestock, poultry, dairy industries na nagpoprotekta at magiging competitive ang mga lokal na producer.

Sa Mababang Kapulungan naman, nangako si Congressman Wilfrido Mark Enverga na ng legislative support para sa mga magsasaka at mangingisda. Si Enverga ang Chairperson ng House Committee on Agriculture and Food.

Samantala, sa ginanap na seremonya, kabilang sa mga organisasyon at industry player na kinilala ng DA dahil sa kanilang kontribusyon sa industriya ng agrikultura ay mga sumusunod: Bliss Lingion Multi-purpose Cooperative (MPC), na kinatawan ni Chairperson Dante Dosayco, para sa pagpapaunlad ng industriya g kamoteng kahoy sa Bukidnon; Mantibugao Agrarian Reform Beneficiaries Farmers’ Cooperative, na kinatawan ni Manager Evangeline Frasco, para sa corn cluster management sa Bukidnon; National Fisherfolk Director Lilia Nuño from Zamboanga City; Kalasag Multipurpose Cooperative, na kinatawan ni Chairperson Arnold V. Dizon, para sa high value crops development sa Nueva Ecija; at Organic Farmers ng District 6 Bulacan Inc., na kinatawan ni Chairperson Melba Dizon, para sa promosyon ng organic agriculture sa Bulacan.

Ang iba pang organisasyon na kinilala ng DA ay ang Rosario Livestock and Agriculture Farming Cooperative, na kinatawan ni Board of Director member Marciana Alagar, para sa livestock development sa Batangas; at San Agustin-San Ramon Agrarian Reform Farmers Cooperative, na kinatawan ni Assistant Manager Charol Arejola, para sa rice development sa Camarines Sur.

Kabilang pa sa mga kinilala sa naturang okasyon ay ang mga farmer director at Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) chairpersons na sina Ryan Palunan ng CAR; Benjamin Campañano Jr. ng Ilocos Region; Bernadette De Los Santos ng Bicol Region; Buen Mondejar ng Western Visayas; Grace Cenas ng Central Visayas; Leonardo Caparida ng Zamboanga Peninsula; Nilda Salas ng Northern Mindanao; Epifanio Loyola, Jr. Davao Region; Christopher Lindo ng CARAGA at Salik Panalunsong ng BARMM.

AUTHOR PROFILE