Guess

Female young star, wais pagdating sa alak

February 14, 2024 Jun Nardo 85 views

SIMPLENG wais pagdating sa alak ang isang female young star na maamo ang mukha at galing sa isang showbiz family.

Kinuhang calendar girl ng isang brand ang young actress dahil sa maamo nang mukha, seksi pa.

Bahagi ng promotion ng alak ang pagkakaroon ng motorcade ni young actress sa malalaking syudad sa probinsiya.

Sa isang motorcade, kasama ni young actress ang mga hunk model bilang pang-akit naman sa mga babae.

Dahil may kahabaan ang ruta, ang ginawa ni female star, nagbukas ng alak at sinimulan ang inuman.

‘Yun nga lang, wais siya sa pagtagay. ‘Yung mga lalaking kasama ang pinatatagay niya habang siya eh, bihirang uminom.

Kaya after mg motorcade, lango na ang mga lalaki pero si female young star, hindi halatang nakainom dahil hanggang isa o dalawang tagay lang siya ng alak sa buong parade, huh!

JENNYLYN-DEREK MMFF ENTRY, PALABAS SA NETFLIX

STREAMING na sa Netflix ang award-winning rom-com na English Only, Please na produced by Quantum Films at pinagbidahan nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.

Winner ito sa 40th Metro Manila Film Festival bilang 2nd Best Picture, Best Actor, Best Actress, Best Director, Best Editing at Best Story.

Panooring muli ang ka-inlab-inlab na English Only Please.

AUTHOR PROFILE