Kris: I refuse to die
“I refuse to die.”
Ito ang mariing sinabi ni Kris Aquino ngayong gabi sa live guesting niya from California via Zoom sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-guest si Kris sa nasabing programa ni Boy Abunda sa GMA-7 para personal na idetalye ang estado ng kanyang kalusugan ngayon.
Sa nasabing panayam ay inamin ni Kris na hindi maganda ang kanyang kalusugan ngayon base na rin kanyang blood panel test three weeks ago.
“What was alarming was sobrang bumagsak ‘yung hemoglobin ko that’s part of ‘yung CBC panel natin,” pahayag ni Kris.
Bumaba raw sa 8.7 ang kanyang hemoglobin na first time nangyari sa kanya at kung nasa Pilipinas siya ay baka binibigyan na siya ng blood transfusion.
Kinumpirma rin ni Kris na mayroon na siyang pang-limang autoimmune condition na matatandaang naibahagi niya sa huli niyang update sa Instagram.
Ang 5th autoimmune disease niya ay wala pang official term pero sa ngayon ay naka-classify ito as ‘autoimmune mixed connective tissue disease.’
“Falling under that, Boy, is either SLE or Lupus na mas kilala or it could be rheumatoid arthritis,” Kris said.
Delikado rin daw ang 4th autoimmune disease niya dahil ang inaatake naman nito ay ang kanyang lungs at inamin niya na may mga sugat na ang kanyang right lung.
Apektado na rin ang kanyang heart dahil magang-maga na ang mga muscle na nakapalibot sa kanyang puso. Mahirap na raw sa kanya ang maglakad-lakad dahil one time ay umabot sa 146 ang kanyang heart rate.
Because of this ay pwede siyang magkaroon ng stroke anytime.
Inamin din ni Kris na ang next six months ay very crucial for her kaya humihingi pa siya sa taumbayan ng more prayers.
“Ngayon ako hihiling talaga, I’m sorry na parang ang kapal ng mukha ko dahil ang tagal n’yo na akong ipinagdarasal but I really need that now because on Monday, papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot. This is my chance to save my heart.
“Because kung hindi ito tumalab, Boy, I stand a very strong chance of having cardiac arrest. As in pwedeng in my sleep or kung anuman ang ginagawa ko, pwedeng tumigil na lang ‘yung pagtibok ng puso,” she said.
Malaking risk daw ang pagsubok sa gamot na ito dahil hindi ito pwedeng ibigay kung hindi siya bibigyan ng steroid.
“I will need a total of four doses of this medication,” aniya.
Tanggap din ni Kris na ang araw-araw niyang buhay ngayon ay pahiram na lang ng Diyos. Pero idiniin niyang ayaw pa niyang mamatay.
“Binigyan ako ng bonus. So whatever days are left, kung anuman ang natitira, it’s a blessing but I really want to stay alive. I mean, sino ba naman ang sasabihin na ‘handa na akong mamatay’? I don’t think any of us can say that.
“Because Bimb is only 16. I made a promise to him na until he becomes an adult, I will really do everything, lahat gagawin ko. Kasi hindi naman sikreto sa mga tao that ang kuya niya (Josh) falls under the autism spectrum. Ako mismo, ako lang ang nagpalaki sa dalawa, kailangan pa nila ako.
“But on the flipside of that, after Monday, wala na akong immunity. Pwede na akong dapuan ng kahit anong sakit at wala akong panglaban doon,” pahayag ni Kris.
At this point ay nagpasalamat si Kris kay Kuya Boy at inihabilin niya ang kanyang dalawang anak sa kaibigang TV host.
“Nangako ka sa akin kagaya ng ilan sa pinakamalapit na kaibigan ko at ‘yung mga kapatid kong babae, nangako sila na kung anuman ang mangyari ay meron akong dalawang kaibigan na lilipad dito para samahan ‘yung dalawang boys,” ani Kris.
“I’m entrusting Bimb with you because the two will actually be going home in two weeks,” dagdag pa ni Kris.
Nagawa rin niyang biruin si Kuya Boy na mag-share sa kanyang medical bills dahil pumirma ito ng bagong kontrata sa GMA-7.
Natawa si Kuya Boy pero sey ni Kris, “Don’t laugh. That’s your gift. I saw the contract signing kaya sa ‘yo na ‘ko mangungumisyon,” sey ni Kris.
Saad pa niya, “I refuse to die. Talagang pipilitin ko because ang next chapter ko is to become a stage mother.”
She also stressed out na lalaban at lalaban siya’t wala sa bokabularyo niya ang sumuko.