Patricia

Patricia at mister na si Doc Rob ‘di na makabalik sa California

May 15, 2024 Aster Amoyo 250 views

Patricia1Patricia2KAARAWAN ngayon, May 16 ng singer-actress, former beauty queen and successful entrepreneur na si Patricia Javier who turned 45 today.

Patricia is happily married kay Dr. Robert ‘Rob’ Walcher, a popular American chiropractor for 19 years now and are blessed with two good-looking sons na sina Robert (17) and Ryan (12).

It was in early 2000 nang magkakilala sina Patricia and Rob in San Diego, California, USA kung saan naka-base si Doc Rob at kung saan naman may show ang Filipina singer-actress Filipino community sa nasabing lugar. Sa tulong ng isang common friend nina Patricia at Doc Rob nagkakilala ang dalawa.

Hindi ikinakaila ni Doc Rob that it was `love at first sight’ nang makita niya si Patricia. Gumawa ito ng paraan na makabalik ng San Diego ang singer-actress from her tour in the US para makilala pa ito nang husto. On Patricia’s second visit, she brought Patricia to his clinic, had coffee at namasyal sila sa isang beach in San Diego.

Nang bumalik ng Pilipinas si Patricia, constant caller niya si Doc Rob until he eventually visited Manila to also meet Patricia’s family. Ang closeness ng dalawa ay nauwi sa kanilang pagpapakasal nung December 27, 2005 in San Diego, California, USA. Ito’y nauwi sa kanilang pananatili sa nasabing lugar sa loob ng 13 taon at sila’y nabiyayaan ng dalawang anak, both boys na sina Robert Douglas Walcher IV (Robert) – 17 at Ryan – 12.

Nang mag-asawa si Patricia, she totally gave up her showbiz career in the Philippines para harapin ang kanyang buhay may asawa sa Amerika.

Alam ni Doc Rob na nami-miss ni Patricia ang kanyang showbiz career. When his wife suggested that they move to the Philippines, Doc Rob agreed at ito’y nangyari ten years ago nung 2014 when their two boys were still small.

Although sa Amerika isinilang ang dalawa nilang anak ni Doc Rob, gusto ni Patricia na ma-embrace ng mga bata ang Filipino culture lalupa’t maliliit pa sila.

At first, it was not easy for Doc Rob to settle in the Philippines lalupa’t he had a stable income in America. He owns and runs his own chiropractic clinic in San Diego.

Doc Rob agreed that they try it for six months in the Philippines and if it didn’t work for them ay babalik sila ng San Diego.

Magmula nang dumating ang mag-asawang Patricia at Doc Rob with their two sons sa Pilipinas ay naging abala ang mag-asawa sa mga wellness mission kung saan nila ipinakilala ang chiropractic procedure or treatment which was unpopular (in the Philippines) before. Bago pa man umabot ng 6 months ay dinarayo na ang tinutuluyang townhouse ng mag-asawa ng mga taong gustong magpa-chiro kay Doc Rob. Ito ang naging daan ng pagbubukas nila ng kanilang first branch ng Doc Rob’s Chiropractic and Wellness Clinic in Quezon City nung 2016 at sa loob ng sampung taon ay may anim na branches na ang nasabing clinic with branches in Makati City, Alabang, Bacoor, Cavite at Angeles, Pampanga.

Kung very hands-on ang mag-asawa sa kanilang dalawa anak, ganun din sila sa pagpapatakbo ng kanilang anim na clinic na inaasahang madadagdagan pa.

In 2019, si Patricia ang tinanghal na kauna-unahang Miss Noble Queen of the Universe at nung 2023 ay ang panganay naman niyang anak na si Robert ang nanalong Mister Teen Philippines which was held in Bangkok, Thailand.

Sa kabila ng busy schedule ni Patricia na may kinalaman sa anim nilang clinic, may oras pa rin siya sa kanyang singing and acting career na siya niyang first love.

Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ngayon ni Patricia and her husband na si Doc Rob ay nanatili pa ring grounded ang mag-asawa who are well-loved in the industry.

Coleen sobrang mapangahas sa bagong pelikula nila ni Diego

ColeenISA na namang maituturing na bagong obra ni Direk Mac Alejandre ang pelikulang “Isang Gabi” mula sa panulat ng premyadong writer, ang National Arist for Film and Broadcast na si Ricky Lee at pinagbibidahan nina Coleen Garcia at Diego Loyzaga under Viva Films na kasalukuyang palabas sa mga sinehan. Tampok din sa nasabing pelikula sina Alex Medina, Yayo Aguilar, Soliman Cruz at Angelica Hart.

R-16 ang nakuhang rating ng pelikula mula sa MTRCB dahil sa ilang maseselang parte ng pelikula na bahagi ng magandang kwento ng movie.

Isang battered wife ang papel na ginampanan ni Coleen na madalas abusuhin ng kanyang mayaman and influential husband played by Alex Medina whose father was a colonel (na ginampanan ni Soliman Cruz) na meron din palang lihim na pagnanasa sa kanyang daughter-in-law (Coleen).

Isa namang piping saksi sa mga pang-aabuso sa character ni Coleen ang mother-in-law niya (played by Yayo Aguila) na tahimik lamang sa mga nangyayari sa loob ng kanilang pamamahay.

Makailang beses sinubukan ni Carol (Coleen) na takasan ang kahayupan ng kanyang asawa pero parati siya napipigilan at lalong sinasaktan.

Sa isang bar ay nakilala ni Carol ang character ni Diego Loyzaga, isang professor na hindi mabayaran ang bill ng ininom dahil nawala ang kanyang wallet at ito’y nakita ni Carol na siyang nag-volunteer na bayaran ang bill. Since pareho silang may pasang problema, namasyal at nagkakuwentuhan ang dalawa hanggang sa ito’y humantong sa kanilang pagniniig sa isang hotel. Sa loob ng isang gabi ay maraming nangyari. Doon ay ipinagtapat ni Carol ang mga ginawang pang-aabuso at kahayupan sa kanya ng kanyang asawa at father-in-law at pagkakapaslang ng kanyang mister.

Unknown to Carol, ang character ni Diego ang aksidenteng nakapatay sa kanyang mister nang masagi ang sasakyan nito ng kanyang motorsiklo. It was self defense sa part ng character ni Diego na nakipagbuno sa mister ni Carol at aksidenteng pumutok ang baril at ito ang tinamaan na siyang ikinamatay nito.

Acting piece na maituturing for Coleen ang kanyang ipinamalas sa pelikulang “Isang Gabi” na mahusay na pinamahalaan ni Direk Mac Alejandre.

Pero ang tanong, will Coleen allow her husband na si Billy Crawford na panoorin ang nasabing pelikula considering na maraming mga sexy and hot scenes ang kanyang ipinakita in the movie? It was all executed in good taste at kailangan ang mga eksena na bahagi ng magandang narrative.

Jiro walang sinisisi sa mga nangyari sa kanyang buhay

JiroFORMER award-winning child actor Jiro Manio turned 32 last May 9 at ang kanyang birthday wish ay ang tuluy-tuloy niyang paggaling sanhi ng drug abuse since he was 14 years old.

Hindi ikinakaila ni Jiro na anim na beses siyang sumailalim ng rehabilitasyon para sa tuluyan niyang paggaling at ipinangako niya sa kanyang sarili na never na umano niya itong babalikan lalupa’t ito ang sumira ng kanyang buhay ng maraming taon.

Never umano niyang nakita at nakilala ang kanyang biological father na isang Japanese national na si Yusuke Katakura. He was raised by his grandfather (his mother’s uncle) na si Daddy Andrew since birth. Nang siya’y isilang, bumalik ng Japan ang kanyang ina at bumalik lamang ito ng Pilipinas nang ito’y may sakit na at siya’y inalagaan ni Jiro until she passed on in 2007.

Naging masalimuot man ang kanyang buhay since he was born, never umanong nagtanim ng galit si Jiro sa kanyang namayapang ina, maging sa kanyang ama na sumaka-bilang buhay na rin na hindi man lamang niya nasilayan kahit isang saglit. Kung may sinisisi man siya ay walang ibang kundi ang kanyang sarili.

Although matagal nang magaling si Jiro, patuloy pa rin umano ang pag-inom niya ng medication. Nagpasalamat din siya sa kanyang Mama Ai (Ai-Ai de las Alas) sa ipinakita nitong tulong at malasakit nang makita siyang pakalat-kalat sa NAIA 3 nung 2015. Ayon kay Jiro, sumakay umano siya ng taksi patungong NAIA3 na walang pera kaya ang cellphone niya ang kanyang ipinambayad sa taxi driver. Nagpasalamat naman siya sa isang guard ng NAIA3 (na nakilala siya) sa pagbigay sa kanya ng makakain.

Aminado ang actor na sobra niyang nami-miss ang showbiz. Pero hindi pa nito masagot kung gusto niya pa niya itong balikan.

“Masasagot ko lamang `yan kapag nandyan na,” aniya.

Jiro was only 15 nang siya’y maging ama ng kanyang eldest daughter na si Sisha Calliophe na sinundan ni Mishka Caxiopeia who are both in their teens now. His two daughters are with his former partner who is four years his senior at may iba nang asawa ngayon sa Quezon Province.

“Nakakausap ko naman ang mga anak ko sa Facetime pero matagal ko na silang hindi nakikita,” pagtatapat pa ni Jiro.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE