Paolo1

Paolo ‘no comment’ sa binubulatlat na love life

May 15, 2024 Jun Nardo 90 views

TIKLOP na ang bibig ni Paolo Contis sa kanyang personal na buhay. Muling nabulatlat ang lovelife ng aktor dahil sa pag-unfollow sa kanya ng diumano’y girlfriend na si Yen Santos sa Instagram account nito.

“No comment!” ang deklara ni Paolo nang tanungin siya ni Aubrey Carampel sa premiere night ng movie niyang Fuschia Libre.

Dagdag ng aktor, “Porke ba nag-unfollow, hindi na friends?”

Ngayon lang natahimik ang bibig ni Paolo sa latest issue sa kanya unlike before na vocal siya.

Eh, kung ‘yun ang gusto niya, eh, di wow!!!

AUTHOR PROFILE