Wilbert

Wilbert kainan at kantahan sa unang novelty song

February 15, 2024 Eugene E. Asis 366 views

Wilbert1IBA talaga ang energy at determinasyon ng kilalang influencer at vlogger na si Wilbert Tolentino. Pagkatapos niyang magtagumpay as a vlogger through his Wilbert Tolentino Vlogs with 2.3M subs (and counting), ngayon naman ay pinasok na rin niya ang pagiging recording artist. You heard it right dahil naririnig na sa radio at social media apps ang novelty song na Kain Tayo! under One Force Event and distributed by Star Records under ABS-CBN Music.

Sounds familiar ba ang Kain Tayo!? Oo naman. Mula sa kontrobersiyal at pinag-usapang ‘kainan isyu’, sinalo ito lahat ng business genius na si Wilbert at ginawa itong kanta, na ngayon ay nagbabadyang mag-viral sa socmed. No worries dahil iba ang hugot ng lyrics ng kantang Kain Tayo! dahil siguradong walang magre-react na mga Marites, walang mabibiktima na mga beauty queens at wala ring magseselos na jowa. Dito sa novelty song na Kain Tayo! ay ‘gugutumin’ lang naman tayo ng lyrics dahil feautred dito ang iba’t ibang delicacies ng original Filipino food gaya ng adobo, puto’t kutsinta, bibingka at iba pa.

Tapos na rin ang music video ng Kain Tayo! kung saan pinagsama-sama ni KaFreshness ang mga sikat na influencers sa pagkain. Kasama rito sina Euleen Castro, Chef Hazel, Malupiton, Happy Friends, Crazymix, Femme Manila, with the special participation of the controversial, Herlene Nicole Budol AKA Hipon Girl. Mapapanood na rin sa music video ang Mukbang Dance Craze na kinalolokohang isayaw ngayon ng lahat sa TikTok na pinauso ni KaFreshness Wilbert. Nakaka-aliw nga ang dance moves ni Wilbert na ginagaya na ngayon ng mga kabataan na bagay sa TikTok.

Kudos sa director ng music video na si Edrex Sanchez at ang creative director na si Ryan Soto. Siguradong makatutulong ang novelty song na ito para mai-promote ang food tourism ng Pinas sa buong mundo.

Samantala, isa na ring certified actor si Sir Wilbert dahil kasama siya sa main cast ng GMA7’s ‘Black Rider’ kung saan ay binibigyan niya ng buhay ang character ni Doctor Wilford Bernardo, na isa ring negosyante.Abangan ang susunod na kabanatahabang sabay-sabay tayong kumanta ng: “Tayo ha, spaghetti pababa, yung jumbo hotdog, kaya ko na to…”

AUTHOR PROFILE