Kris ipinagbilin na ang mga anak sa mga kapatid
IT was Batangas Vice-Governor Mark Leviste who informed us that his girlfriend Kris Aquino will go live via zoom on King of Talk Boy Abunda’s show on GMA, “Fast Talk with Boy Abunda” on her 53rd birthday and Valentine’s Day yesterday, February 14.
VG Mark arrived in Los Angeles, California last Friday, February 9 in time for Kris’ birthday and Valentine’s Day celebration.
“Ayaw niyang magkaroon ng celebration on her birthday because of her worsening health condition,” pahayag pa ni VG Mark.
Come June ay magda-dalawang taon nang nasa Amerika ang tinaguriang Queen of All Media para sa treatment ng kanyang autoimmune diseases na umabot na sa lima ngayon.
Had it been another person, siguro ay matagal nang pinanghinaan ng loob si Kris pero hanggang ngayon ay patuloy siyang nakikipaglaban sa kanyang lumalalang sakit dahil sa kanyang dalawang anak na sina Joshua (by actor Phillip Salvador)- 28 and Bimby (by her ex-husband, ang dating cager na si James Yap) – 16 na gusto pa niyang makasama hanggang umabot ang kanyang bunso sa legal age.
Dahil sa kanyang worsening health condition, pati dalawang anak niya ay nagsa-suffer kaya nag-desisyon siyang muling pabalikin ng Pilipinas in two weeks’ time ang mga ito.
Based on her latest blood panel results, lalong lumalala ang sakit ni Kris and she’s thankful to God at sa mga taong patuloy na nagdarasal para kanya para humaba pa ang kanyang buhay.
Dahil sa lumalalang kundisyon ng kalusugan ni Kris ay lalo itong pumayat.
It was Kris’ first time na humarap sa telebisyon (via Zoom) magmula nang siya’y tumulak ng Amerika nung June 2022 para ipaalam sa lahat ang tunay na estado ng kanyang health.
Dahil sa maraming sakit na kinakaharap ni Kris, everyday is a blessing to her na siya’y buhay pa at patuloy na lumalaban for the sake of her two sons. Patuloy siyang humihiling sa Diyos na sana’y bigyan pa siya ng mahabang buhay to spend more time with them.
Matapos mapanood si Kris on “Fast Talk with Boy Abunda,” mas lalong nakaramdam ng sympathy ang mga manonood sa dating First Daughter and First Sister at maging sila ay nag-alay ng panalangin na sana’y malagpasan nito ang kanyang kinakaharap na matinding challenge sa kanyang health condition.
Samantala, sa kanyang special guesting sa programa ng kanyang best friend na si Boy Abunda (who is like a brother to her), ipinagbilin na rin ni Kris sa kanyang mga nakatatandang kapatid at kay Boy ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby sakaling may mangyari sa kanya.
Everyday is a struggle for Kris in so far as her health condition is concerned but she remains brave and optimistic na pahahabain pa ng Diyos ang kanyang buhay.
VG Mark kahanga-hanga ang pagmamahal kay Kris
KAHANGA-HANGA ang pagmamahal ni Batangas Vice Governor Mark Leviste sa kanyang kasintahang si Kris Aquino.
Milya-milya ang layo ng Batangas at Amerika at siya’y napapagitnaan ng kanyang sinumpaang tungkulin sa kanyang probinsya at tungkulin ng isang nobyo sa kanyang minamahal na may malalang sakit at nasa malayong lugar.
Kung maaari nga lamang ay hindi niya iiwan si Kris sa present condition nito pero alam niya at alam din ni Kris ang kanyang trabaho bilang isang public servant.
Last December, VG Mark (and his family) spent the Christmas holidays with Kris and her two sons na sina Joshua and Bimby. Doon na rin nag-celebrate ng kanyang kaarawan si VG Mark na taon sa araw mismo ng Pasko. Ang inaasahan niyang two-week stay in L.A. ay na-extend hanggang isang buwan dahil hindi niya maiwan ang kundisyon ni Kris. This time ay inaasahang magtatagal siya ng dalawang linggo para samahan si Kris sa mga regular check-up and visits nito sa kanyang doctors.
Kung ang kaarawan ni VG Mark ay sa araw mismo ng Pasko, December 25, si Kris naman ay tuwing Valentine’s Day sini-celebrate ang kanyang kaarawan on February 14.
Samantala, we were still in L.A. nang dumating doon si VG Mark last February 9 ng hapon at niyaya niya kaming bisitahin si Kris. But since meron akong ubo at sipon at that time, nag-beg off kami although we’ve been wanting to visit her. Halos isang linggo rin akong inubo at sipon in L.A. dahil sa sobrang lamig na sinabayan pa ng sunud-sunod na ulan doon.
Donita nag-resign sa trabaho dahil kay G
HINDI na pala magkasama ng trabaho ngayon sa Island Pacific ang L.A. based actresses and hosts na sina G Toengi at Donita Rose dahil may rift umano ang dalawa.
Ang Island Pacific ay isang chain of Filipino supermarkets in the East Coast na pag-aari ng mister ng dating actress na si Krista Ranillo na si Nino Lim with at least 16 branches all over California and Las Vegas.
Although magkaiba ang posisyon at trabaho nina G at Donita sa Island Pacific, nagka-clash umano ang dalawa hanggang magdesisyon ang actress at dating MTV VJ na si Donita na mag-resign na lamang.
Godfather of Pinoy Celebrities in L.A.
ANG L.A.-based successful Filipino businessman na si Geoffrey Jimenez ang itinuturing ngayon na Godfather of Filipino Celebrities in Los Angeles, California, USA at ito’y base na rin sa kanyang pagiging matulungin at accommodating sa mga visiting Filipino celebrities in L.A.
Hindi na rin halos mabilang ang mga kilalang showbiz personalities galing sa Pilipinas na sa kanyang magarang tahanan tumutuloy at kasama sa mga ito sina Coco Martin and company, Gabby Concepcion and family, Alma Moreno, Diego Loyzaga, Jake Zyrus, Chrstian Bables, Marvin Yap, Eva Eugenio at marami pang iba. Nakatakda ring dumating doon sa buwan ng Marso ang tropa ng award-winning director and producer na si Brillante Mendoza kasama ang bumubuo ng kanyang cast na sina Eric Quizon, Albert Martinez, Yassi Pressman, Ruby Ruiz at iba pa to shoot a movie.
We’re glad na naging kaibigan din namin si Geoff at ang film producer na si Benjie Cabrera (ng BMC Films) kaya naging bukas din ang kanilang tahanan sa amin.
Bukod sa iba’t ibang businesses, si Geoff din ang bagong may-ari ng Miss Filipina International pageant in America na kanyang sinimulan nung nakaraang August 5, 2023 na ginanap sa The Beverly Hilton in Beverly Hills, California with Alden Richards and 2023 Miss Universe-Philippines among the judges.
Ang kauna-unahang winner ng Miss Filipina-International ay si Matea Mahal Smith of Filipino and black American descent. Si Matea ay isang student ng Behavioral and Cognitive Neuroscience sa University of Florida. She is from Coral Springs, Florida, USA at siya’y nakapag-uwi ng brand new BMW 2 series and $10,000 worth of gift certificate from iSkin in Beverly Hills.
As early as now ay pinaghahandaan na rin ni Geoffrey ang 2nd edition ng Miss Filipina International pageant this coming August 2024.
Bukod sa kanyang maraming negosyo sa iba’t ibang bahagi ng Amerika na may kinalaman sa health service, his recent acquisition ay ang existing at dinarayong Eva’s Lechon in Los Angeles, California na gusto rin niyang paramihin. Bukod dito, meron din siyang sariling resort in Lumban, Laguna at iba pang mga negosyo sa Pilipinas particularly sa kanyang hometown in Nueva Ecija.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.