Heart

Netizens puring-puri ang katatagan ni Heart

May 15, 2024 Vinia Vivar 112 views

Life must go on para kay Heart Evangelista matapos niyang aminin ang pagkakaroon ng fourth miscarriage nitong nakaraang Mother’s Day, May 12.

Makikita sa kanyang Instagram page na tuluy-tuloy pa rin naman ang mga aktibidades niya, attending to her commitments left and right at hindi naman siya ‘yung tipong nagmukmok sa kanyang kwarto.

Kaya naman pinupuri ng netizens ang kanyang katatagan na hindi nagpapatalo sa hamon ng buhay.

Pinansin nga rin ng kanyang followers na lalo pa siyang gumaganda at bumabata ngayon.

Sa recent Instagram Story niya ay sinabi ng aktres ang kanyang plano ngayon.

“I shall take my time,” aniya. “Anyway… I know exactly where I’m going. A day at a time. Good night.”

Nagpahatid naman ng words of encouragement ang mga netizen para sa Queen of Creative Collaborations.

Narito ang ilan sa kanilang comments:

“God has perfect time for everything..”

“Yes QUEEN. my mas mabuting plan si God for you.”

“DON’T STOP!”

“Keep on going @iamhearte.”

“Kapit lang heart I’m rooting for you! ??”

AUTHOR PROFILE