Kelvin

KELVIN LIBRENG MAG-FALL KAY KIRA

May 15, 2024 Jun Nardo 106 views

SINGLE ang aktor na si Kelvin Miranda. Kaya puwede siyang magkagusto kay Kira Balinger lalo na’t may ipalalabas silang movie na Chances Are, You and I under Pocket Media Productions.

Dati, eh, na-link sina Kelvin at Kira. Pero itinanggi niya na may relasyon sila ni Kira. That time pala, may ginawa silang movie.

“May kinalaman sa character ko sa movie ang closeness namin. Isinapuso ko ang role ko gaya ng ibang aktor. Eh, kung ma-fall, malalaman natin ‘yan,” sabi ni Kelvin sa mediacon ng movie na palabas na sa May 29.

ONLINE TALK SHOW NAG-CROSSOVER SA TV

INAANYAYAHAN po namin ng readers ng People’s Tonight na panoorin ang Marites University on AllTV simula ngayong Sabado, Mayo 18, 10 p.m.

Yes, tumawid na mula sa online ang talk show na kinabibilangan namin na sa YouTube, Facebook at TikTok napapanood.

Sa Channel 2 sa free TV mapapanood ang Marites University at kasama namin sina Mr. Fu, Ambet Nabus at Rose Garcia.

AUTHOR PROFILE