Imelda

INA NI GIGI PUMANAW NA

May 15, 2024 Vinia Vivar 74 views

Pumanaw na ang ina ni Gigi de Lana na si Imelda de Lana nitong Martes, May 14, matapos ang pakikipaglaban sa breast cancer.

Inanunsyo ng singer sa kanyang Facebook and Instagram pages ang malungkot na balita kasama ang mga larawan ng kanyang ina.

Ayon kay Gigi ay binawian ng buhay ang kanyang Mama ng 9:19 p.m. noong May 14.

“Salamat sa lahat ng dasal niyo kay mama. She passed away at 9:19pm May 14, 2024,” ang pagbabahagi ni Gigi.

“Mahal na mahal kita mama. Pahinga ka na,” pamamaalam niya sa ina.

Matatandaan na taong 2023 nang i-open-up ni Gigi na na-diagnose ang kanyang nanay with stage 4 breast cancer.

Noong nakaraang linggo ay malungkot na ibinalita ni Gigi sa isang video habang nasa US siya for her Gigi Vibes tour na nasa ICU (Intensive Care Unit) ang kanyang ina at kasalukuyang nakikipaglaban para sa kanyang buhay.

“My mom is at the ICU now. If you have seen my stories, meron dung prayer, if you wanna pray for my mom, you can pray for her if you want.

“She’s fighting for her life now and I don’t know if pag-uwi ko andun pa siya. But I really wish she will be there,” saad ni Gigi sa video.

“I really wanna hug her, kiss her because, you know, hindi mo alam kung kailan mawawala yung taong mahalaga sa yo,” patuloy niya.

“So, spend the time sa kanila and love with all your heart,” payo pa ni Gigi sa netizens.

“There’s nothing wrong with it, just love, para hindi ka rin mag-regret. Because now I am regretting things that I didn’t do with my mom.I love her so much,” aniya.

Nagbigay din ng paalala ang singer sa lahat na mahalin ang magulang at pamilya.

“And please love your family kasi sila yung nandiyan para sa inyo. Trust me, they love you with all their heart. Mahal na mahal kayo ng parents niyo,” she said.

AUTHOR PROFILE