Jakbie

Tukaang JakBie, naunsyami

February 14, 2024 Vinia Vivar 122 views

Ang tamis ng Valentine’s Day greetings and celebration ng magdyowang Barbie Forteza at Jak Roberto.

Obviously ay maagang nag-celebrate ng Araw ng mga Puso ang JakBie dahil naipost nila agad sa kanilang social media accounts ang kanilang selebrasyon. Kung hindi kami nagkakamali ay Feb. 13 sila nag-celebrate.

Nag-post si Jak ng video kung saan ay makikitang papasok siya sa bahay nina Barbie na may hawak na bouquet of red roses.

Sinalubong ng aktor ang girlfriend habang pababa ng hagdan at makikitang tuwang-tuwa si Barbie nang makita ang dyowa na may hawak na flowers.

Hahalikan sana ni Barbie si Jak sa lips pero hindi natuloy dahil nakatingin ang daddy ng aktres. Instead, sa pisngi na lang ng boyfriend siya humalik.

Mapapanood din sa video na tumuloy sila sa isang restaurant at nag-enjoy sa dinner together.

Caption ni Jak sa kanyang video, “Parental Guidance. Happy Valentine’s Day Madam @barbaraforteza ! I love you so much.”

Sa video naman na ipinost ni Barbie ay mapapanood ang sweetness nila ni Jak habang nagdi-dinner at kitang-kita rin kung gaano sila kasaya.

Caption naman ni Barbie, “POV: when your 7th Valentine’s dinner still feels like the first date. I love you so much @jakroberto.”

AUTHOR PROFILE