Heart

Bonggang diamond ring, regalo ni Chiz kay Heart

February 14, 2024 Vinia Vivar 223 views

Kahapon (Feb. 14) ay ipinagdiwang ni Heart Evangelista ang kanyang ika-39th birthday sa Balesin Island kasama ang kanyang mga kaibigan and of course, her family, sa pangunguna ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero.

Ipinost ni Heart sa kanyang Instagram Stories ang ilang kaganapan sa kanyang kaarawan.

Sa isang video ay makikitang at exactly 12 midnight ng Feb. 14 ay kinantahan na siya ng kanyang mga kaibigan habang nasa tabi naman niya ang kanyang mister.

Ang pinaka-bonggang video ay ‘yung may hawak na isang rose si Heart at sa loob ng petals ay may lamang singsing with a large diamond.

Of course, sino pa ba ang may bigay nito kundi si Sen. Chiz?

Tuwang-tuwang isinuot ni Heart ang diamond ring na for sure ay birthday and wedding anniversary gift ng mister sa kanya.

Sa isang video naman ay kinakantiyawan ng mga kaibigan sina Heart & Chiz ng “kiss” na pinagbigyan naman nila.

Ngayong Huwebes (Feb. 15) gaganapin ang renewal of vows ng mag-asawa na ninth wedding anniversary rin nila.

Sa isang recent interview ay sinabi ni Heart na excited siya sa kanilang renewal of vows at pakiramdam niya ay first time pa rin niyang ikakasal.

This time kasi, aniya, dadalo na sa kasalan ang mga magulang niya na wala noong una silang ikasal ni Sen. Chiz.

“It’s going to be very special for me because I thought I knew what love was. But now I know what love should be. And so I, I feel like I’m getting married actually for the first time again,” sey ng global fashion icon at queen of creative collaborations.

AUTHOR PROFILE