Liza1

Liza, ’di sinipot ang preem ng comeback movie ni Quen

February 14, 2024 Vinia Vivar 177 views

Hindi nakarating si Liza Soberano sa premiere night ng comeback project ni Enrique Gil na ginanap last Feb. 13.

Honestly, nalungkot kami for Quen dahil asang-asa siya na darating si Liza at nabanggit pa nga niya ito sa amin nang makausap namin siya sa celebrity screening ng Hollywood film ng aktres na Lisa Frankenstein last week.

Proud pang sabi ni Quen, hopefully ay uuwi si Liza sa Pilipinas ng Feb. 13 at sinabihan nga niya ito na dumiretso sa premiere night pagdating.

Sa isang larawan na nakita namin ay may reserved seat pa si Liza sa cinema under her name.

Pero kahit no-show ang dating ka-loveteam sa preem ng kanyang movie ay naiintindihan ito ni Quen.

“It’s fine! I’m gonna have another screening with her. I know she’s really busy,” sey ni Quen sa panayam ng ABS-CBN hinggil sa hindi pagdalo ni Liza.

Heard na may kasabay ding event si Liza sa US kaya talagang imposibleng makadalo ito sa premiere night ng movie ni Quen at alam din naman umano ito ng aktor.

AUTHOR PROFILE