Default Thumbnail

Driver nahagip ng ligaw na bala sa wetpaks, duguan

May 15, 2024 Melnie Ragasa-limena 65 views

SUGATAN ang isang driver matapos tamaan ng ligaw na bala habang nagmamaneho ng UV Express sa Quezon City Miyerkoles ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si Gilbert Corpuz Palumo, 34, at nakatira sa Lot 1, Block 8, Happy Homes Homeland Subdivision sa Brgy. Sauyo Quezon City.

Sa report ng Fairview Police Station 5 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 4:30 ng madaling araw (May 15), nang mangyari ang insidente sa loob ng UV express sa Commonwealth Ave., malapit sa Winston St., Brgy. Greater Fairview Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PMSg Marvin Serioso, habang binabagtas ang biktima ang nasabing lugar ay nakarinig siya ng putok ng baril.

Ilang sandali ay nakaramdam ang biktima nang pananakit sa kaliwang puwitan hanggang sa makita niya na may tumagas na dugo sa kaniyang upuan.

Humingi ng saklolo ang biktima at isinugod sa Quezon City General Hospital kung saan patuloy pa siyang inoobserbahan.